Saka ko pa lang nabawi ang sarili ko nang maging stable na ang kalagayan at natigil na ang pagwawala ni Eilyjah.
Hindi ko na muling nakita si Franco maging si Mr. Ji pero hindi pa rin mawala-wala ang bigat sa loob ko.
Now that I have confirmed that he really did that? Para rin akong bumagsak sa naoakataas na bangin.
Hindi ko maintindihan. Inihanda ko ang sarili ko at alam kong darating sa puntong makukumpirma ko ang lahat pero hindi ko mapigilang hindi madismaya.
Sa isang iglap, ang pagiging komportable sa lalaki ay napalitan ng triple-tripleng pagkamuhi.
“Ano bang problema, ate? Bakit mo naisipang gawin ‘yun? Hindi mo ba alam kung anong klaseng trouble ang madadala noon kay Ja?” dismayadong pahayag ni Ashley. “How can you. . .”
Alam kong sa akin dapat isisi ang lahat. Sinakripisyo ko ang kalagayan ng anak para sa pagkukumpirma ng totoo, but I am more than desperate now.
Mas nagagalit pa ako kaysa sa lahat, at ngayon pa lang, gustong-gusto ko nang isuplong sa mga pulis ang lalaki.
Hindi ko rin maatim na isiping baka tumakas na ito, lumipad patungo sa ibang bansa at magtago roon.
Hindi ko rin kayang mailarawan ang pagkamuhi sa kabagalan ng mga pulis.
Kung talagang gumagawa ito ng aksyon, kung talagang naghahanap ito ng ebidensyang gagamitin sa lalaki, hindi ba dapat pagkatapos ng ilang buwan, kahit isang piraso ay mayroon na sila?
Paanong hanggang ngayon ay wala pa rin silang maipakita?
“I’m sorry, Ash. . .” seryosong sabi ko.
Kaagad naman akong nilapitan ng babae at niyakap nang mahigpit. “I know how hard it is for you, Ate, pero sana ‘wag mong sasarilihin ang lahat problema kasi gustong-gusto rin naming tumulong.”
Alam kong gasgas na gasgas na ang linyang, “Ayaw ko kasing makaistorbo” pero iyon talaga ang nararamdaman. May sari-sarili na silang pamilyang inaasikaso, may sariling mga problemang kailangang lutasin at bigyan ng atensyon kaya magpapaka-selfish ako kung idadagdag ko pa roon ang pansariling pamilya.
Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon ay talagang nagiging guilty ako.
“Do you trust me, Ash?”
Ashley Hernandez is spitting image of her brother. Pakiramdam ko tuloy, naririto ang lalaki. Pakiramdam ko tuloy, kasama ko siya.
Kaagad at walang pagdadalawang-isip na tumango si Ashley, ngumiti. “Of course! You are the strongest woman I know.”
It has always been like that. The strongest woman. . . ang palabang kaibigan, asawa, ina.
With all that trust, hindi ako pwedeng maging mahina. Hindi ako pwedeng mapagod at sumuko because I don't want to disappoint all of them.
“Hindi na rin magtatagal, Aleeyah will be at peace. Mahuhuli rin natin ang lalaking iyon,” pagtatapat ko sa babae. Gusto kong katulad ko, hindi rin siya maubusan ng pag-asa. Katulad ko, iisipin din niyang magiging naayos din ang lahat.
“I trust you, Ate. Pati na si Kuya, he definitely trusts you. . . palagi.”
Naiiyak, tuloy-tuloy ko na lang na hinaplos-haplos ang buhok ng anak na natutulog pa rin.
Mahaba ang listahan ng itinerary naming dalawa at hindi magandang hindi kami agad makapagsimula ngayon. Sana ay magising na ito kaagad.
Hindi ko man lang ito nagawang mayakap kanina kahit pa kitang-kita ko ang hindi masukat na takot sa mga mata nito.
I’m sorry, anak. Babawi si Mommy.
Magbibilin pa sana ako kay Ashley nang makita kong nakatulala na ito sa pintuan ng kwartong iyon, mariing nakatitig kay Ji Seo Nam na walang kamuwang-muwang na may bitbit pang mga prutas.
“This motherfucker–”
Kaagad kong hininto ang babae, sinenyasang ako na muna ang bahalang makipag-usap doon.
Takot man, mas tinatagan ko ang loob kong komprontahin ang lalaki. Gusto ko nang matapos ang lahat. Kung maaari, gusti kong mapayapa itong sumuko sa mga pulis.
“yaegi jomhalkkayo, seonam ssi?” Ji Seo Nam, can I talk to you?
Naramdaman na nito ang pagkailang dahil sa mga titig namin pero marahan lang nitong ibinaba ang dalang mga prutas at ngumiti. “mullon-i miseu.” Of course, Miss Lee.
Tahimik siyang kwinestyon ng mga titig ni Ashley pero binalewala niya lang muna ito at sumunod sa lalaki.
Gusto niyang magreklamo nang pumasok sila sa isang coffee shop sa tapat ng ospital pero hinayaan niya na lang ang lalaking magdesisyon. Tumagal din kasi ang pagpapakalma nito sa sarili, inoorganisa ang mga salita sa utak.
Ang pagdating ng waiter sa pagbigay ng order ng mga ito ang naging cue ko para magsalita. Bahala na. . . I should at least convince him to turn himself in.
“geu ai, naneun geuui eomeoniibnida.” That kid, I am his mother. Minabuti kong nakikinig sa akin ang lalaki bago nagpatuloy. “ulineun H&H hotel-eseo wassgo, ttal-ui jug-eum dwieissneun namjaleul hwag-inhagi wihae yeogie wassseubnida. jeoneun geuleul jiog-eseo sseogge mandeul geos-ibnida.” We're from H&H Hotels and I came here to make sure that the man who's behind of my daughter's death, I'll make sure to make him rot in hell. Hindi ako titigil hangga’t hindi siya nakikita para sa mga anak ko, para sa nangyari sa daughter ko pati na kay Eilyjah.
Nag-ayos ng upo ang lalaki, senyales na hindi ito komportable sa naririnig. Mas lalo ko lang naiyukom ang kamao.
Hindi ko na magawang sambitin ang mga plinanong salita dahil sinalakay na rin ako ng pananakit ng dibdib. Hindi ko pa rin kayang magkwento dahil hindi ko magawang tanggapin.
I am really, really sorry, Alee. I just can’t let you go. Sobrang sakit pa rin hanggang ngayon anak.
“wae geulaess-eo? wae nabchi haess-eo? nae ttal ji seonam-eul wae jug-yeoss-eo?” Why did you do it? Why did you kidnapped them? Why did you kill my daughter, Ji Seo Nam?
The man was taken aback of my questions. Kahit ako, aminadong hindi ko nakontrol ang mga sinabi.
Alam kong may karampatang consequence ang ginawa ko pero ano ba ang dapat na gawin?
Ilang araw akong nagtiis kahit na nasa tabi ko lang ang lalaki. Ilang araw kong pinigil ang magpipira-piraso ang puso.
“mueo. . . mueoseulyo?” What? Gulat ang nasa kabuuang mukha ng kaharap. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya paninindigan ang pag-arte. “waeyo?” Why?
Tuluyan nang rumagasa ang mga luha ko. May iilang mga customer na sa amin ng dalawa nakatingin pero hinayaan ko na lang iyon. “waeyo?” Why? Wala sa sarili akong natawa.
“ihaeka andoeyo. Ikeun museun ddeusiaeyo?” I don’t understand. What does this mean?
“migug tujaja, H&H mich IC hotelgwa nabchi s**o. dangsin-i balo geu dwieissneun salam maj-jyo?” That US investor, H&H and IC Hotels and that kidnapping accident. You’re the one who's right behind that, right?
Nang makita ko ang mga mata ni Mr. Ji, sinalakay kaagad ng takot. That eyes. . . that eyes were telling me he's innocent. Na wala siyang kinalaman at alam sa mga sinasabi ko.
But a real psychopath could do that, hindi ba? Kaagad akong tumayo, maaksyong tinitigan sa mata ang lalaking iyon. “jeoneun H&H Hotels-ui Eilythia Hernandezibnida. yeoleobun-i pyeongsaeng dong-an gotong-eul gyeokk-eul su issdolog nolyeoghagessseubnida.” Listen, I am Eilythia Hernandez of H&H Hotels, and I will make sure that you’ll suffer for the rest of your lives.
Naipikit ko ang mga mata pagkatapos magsalita. Pilit akong binanagabag ng nga matang iyon. Sa pagkakataong ito, natakot ako at puno nang pag-aalangang hiniling na sana siya na lang talaga ang may pakana ng lahat. . . para matapos na rin ito, para matapos na ang lahat ng paghihirap namin at makabalik na ako sa pamilya.
Sana.