Kabanata VIII

1032 Words
Swerte nang maituturing ni Eilythia na nagawa nitong makasama sa iisang mesa ang Mr. Ji na iyon. Napakalaking tulong pa rin talaga ni Franco sakanya lalo na tuwing business ang napapag-uusapan sa mesang iyon. Tikom ang bibig ni Eilythia, samu’t sari’t mabibilis na salita ang naririnig niya. She’s still learning, pero tuwing naririnig niya itong gamay sa pagsasalita ng lenggwaheng iyon ay halos siya naman ang malula. Kung iisip-isipin lang ay siguradong hindi siya tatagal. “Gwaenchanh euseyo, miseu li?” Are you okay, Miss Lee? Mabilis na tumango roon si Eilythia. Paulit-ulit niyang ikinikintal sa isipang para iyon sa mga anak niya, para sa pamilya niya. Kapag nakakuha na sila ng ebidensiyang makapagtuturo sa mga ito sa ginawa, ipinapangako nitong titigil na siya’t uuwi sa Pilipinas. Pero habang hindi pa nangyayari iyon, kailangan niyang magtyaga. “Jeon gwaenchanhseubnida. Sasil ibeon toyoil-e yejeongdoen sainhoega issseubnida.” I am fine, Sir. I actually have an upcoming signing event this Saturday. Kailangan niyang panindigan ang ginagawa. Ngayong gabi, hindi siya si Eilythia kundi si Lee Mi Cha—isang actress-model mula sa CYA Entertainment. Kung paano man iyon napatibay, hindi na niya alam ang ginawa ni Franco. She needs to at least make all Franco's efforts worth it. Hindi dapat siya magkamali rito. “Jeongmal? haeng-un-eul bibnida! choeseon-eul dahagil balabnida.” Really? Good luck! I am wishing you all the best. He actually looks so gentle. Halos pukpukin ni Eilythia ang sarili sa naisip. Sa iilang salita lang na iyon ay halos mabago na ang pananaw niya tungkol dito. Hindi lang mga assumptions ang mayroon siya ngayon. Ang lahat ng reports mula sa mga witness, siya ang itinuturo. Hindi nga lang magiging sapat ang mga pahayag na iyon kung wala silang makukuhang konkretong ebidensiya. She must do everything. Bahala na kung ano ang kahinatnan, bahala na kung paano siya kinabukasan. “Sillyehagessseubnida. hwajangsil-e gal geyo.” Let me excuse myself. I’ll go to the bathroom. Katulad ng plinano, mariin nitong tiningnan si Franco na inaatay lang ang kilos na iyon. Nagsingitian ang mga lalaking naroon pero ginawa lang nitong titigan si Mr. Ji Seo Nam, at inantay itong kagatin ang patibong na ihahanda nilang dalawa ni Franco. Hindi pa nagtatagal ang ilang minuto nang naramdaman niya ang mainit na mga kamay ni Mr. Ji sa beywang. Halos mag-apoy ito sa nararamdamang galit pero mas pinili nitong ngumisi. Para sa mga anak ko, para sa pamilya ko. “Naega hablyuhaedo doelkkayo?” Mind if I join you? sabi pa nito. Mas pinag-igihan ni Eilythia ang pag-arte. Bumilang lang ito ng ilang minuto bago nito mahagilap ang bulto ni Franco na papalapit sa dalawa. “I wain-eul joh-ahasil geos gat-ayo.” I’m guessing you’ll like this wine. Wala na sa sariling tinanggap ng lalaking iyon ang wine na iniabot ni Franco. Bahagya siyang tinaasan ng kilay ng lalaki, senyas na ituloy lang ang plano. Taas-noong hinarap ni Eilythia si Franco, ngayon ay inaabot na sa nito ang hawak nitong juice. “Juseuleul masil geyo. Gamsahabnida.” I’ll take this juice. Thank you. Nang-aakit nitong ininom ang juice na iyon sa harap mismo ni Ji Seo Nam. Nang makita itong ilang beses na lumunok, she already considered their plan perfect. “Neon neomu segsi hae.” You're so sexy, sabi pa nito. Imbes na mag-antay, si Eilythia na mismo ang naunang maglakad. “Bang-i eodiyeyo?” Where’s your room? Walang pagdadalawang-isip na sumunod ang lalaki sa hakbang nito. Maraming mga nakapalibot na reporter kaya’t paniguradong lalabas at lalabas ang balitang ito kinabukasan pero wala na iyon sa isip ni Eilythia I need to find any evidence. Hinding-hindi ako magsasayang pa ng ibang oras. “Gaja.” Let's go, masigla pang sabi ng lalaki bago nito sinimulang inumin ang wine na hawak. Bingo! Ilang minuto lang ang kailangan kong antayin. “Oneul bam dangsin-ege pogbal-eul julge.” I’ll give you a blast tonight. You’re a piece of s**t, you disgusting w***e! Pakiramdam ko ubos na ubos na ang lahat ng options sa mundo kaya’t kailangan kong gawin ‘to. Para sa mga anak ko, para sa pamilya ko. Mabilis itong sinalubong ng isa sa mga hotelier sa lugar. Dali-dali na rin nitong binuksan ang kwarto ng CEO at iginiya pa sila papasok. Malakas ang pagkalabog ng puso ng babae nang tuluyan silang nakapasok sa kwarto nito. Pansamantalang nagimbal si Eilythia sa napakalawak na espasyong naroon. It was out of their hands. Madali lang itong makakatulog at iyon ang pinakakinakatakot ng babae. Bago pa muling magising ang lalaki, dapat ay tuluyan na itong nakaalis. Hindi na ikinabahala ni Eilythia ang marahas na pagtulak sakanya ng lalaki sa kamang naroon. Sigurado siyang ilang minuto na lang at babagsak na ang mga mata nito. “Naneun dangsin-eul neomu simhage segseuhago sip-eo.” I want to f**k you so bad. Hindi na nito natuloy ang sinasabi nang walang sabi-sabi itong bumagsak sa higaan. Hindi na nagsayang pa ng oras ang babae. Nagsimula ito sa marahas at mabilis na paghahanap sa lahat ng cabinet na naroon, ang bed side table, walk-in closet ng lalaki, pati na ang iilang bags at maleta na naroon. Hinalughog talaga nito ang lahat. Ni wala siyang nilaktawan na kahit ano pa mang mga gamit o kahit lugar pero sa dulo ay bumagsak lang siya sa sahig na walang kagana-gana. Walang kahit anong kahina-hinalang bagay na pwedeng makapagtuturo sa kasalanang ginawa ng mga ito. Eilythia’s restless. Malaki isinakripisyo niya sa Pilipinas kaya hindi siya basta-basta susuko. She’ll go for another round. Iisa-isahin pa nitong muli ang lahat ng mga drawers, cabinet, pati na ibabaw at ilalim ng mga mesa. “This is unbelievable! How can they come so clean?” singhal niya sa sarili. Napakalinis. . . Napakalinis at iyon ang pinakanakakahinala sa lahat. Natunugan na kaya ng mga itong magpupunta kami rito? Na pinaghahanap na sila ng mga pulis? Kilala kaya talaga nila ako? Are they after me now? Nanigas ito sa mismong kinatatayuan nang marinig ang mahihinang paggalaw ni Ji Seo Nam mula sa pagkakahiga. Dahil nakatalikod doon, nagtatahip ang mga nagkakarerang kung ano sa puso ni Eilythia. “Ah–” akmang magsasalita pa lang ito nang matigil ng malalim na boses ng lalaki. “Who are you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD