Kairus Hernandez’ point of view (Nang matapos ang pag-alis niya mula sa pagsasagutan nila ni Eilythia) “Maligayang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport. . .” Hinarap ko agad ang anak pagkababang-pagkababa sa eroplano. Katulad nang nakasanayan ay hindi pa rin nagsasalita ang bata at ginawa lang matulog sa byahe. Hindi ko naman siya masisisi. Sa kalagitnaan kasi ng tulog ng bata ay mabilis ko siyang ginising para makaalis. I didn’t bother to fix his things. Kung ano ang suot ng bata ay iyon lang ang nadala niya. “Anong gusto mong gawin, Ja? I am on my leave today. We’ll go anywhere you want–” “Why did we left that woman?” tahasang sambit ng kasama dahilan para matigil ako sa paglalakad. Hinugot ko ang hininga bago pa man pumasok sa isip ang mga nangyari. “She isn’t ‘that

