Roseeeeee!!!!! ...yun ang unang bungad sa akin pag gising ko sa umaga....
Gising na ako at Nakahiga parin sa kama tamad akong tumayo dahil pagod ako sa paglalaba kahapon
Pero heto yung bestfriend ko panay sigaw sa harapan ko akala niya naman sobrang layo ko.
Anu bah!! Steph!! ...pwede ka naman mag salita ng mahina hindi yung sumusigaw ka sa pagtawag ng pangalan ko.
Ang aga aga panay dada mo!! masungit na sabi ko sa kanya ...ang hinayupak tumawa ng malakas...
Rose, ang aga ang init ng ulo mo..Alam mo ikaw di ka talaga mabiro.
May good news ako sayo,Excited na sambit niya.
"Agad akong napabalikwas sa aking hinigaan"Good :News anong good news yan aber"
nakangiting sagot ko sa kanya.
"Naghahanap ng kasama sa bahay yung Kapatid ng amo ng tiyahin ko sa maynila"tapos ako yung nireto ni tiyang Curing kaso hindi ako pumayag alam mo naman hindi ko pwedeng ewan dito yung baby labs ko kinikilig na sabi niya sa akin ."Kaya na isip ko na ikaw na lang kasi diba naghahanap ka ng trabaho. Kaya sinabi ko sa. "Tiyahin ko na interesado ka" .
KAYA...tumigil siya sa pag sasalita at tumingin ng may nakakapang halong pang aasar.
"Sa pananalita niya palang ay na kuha ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Kaya hinampas ko siya ng unan".Alam ko kung ano ang nais mong ipahiwatig sa akon steph..
"Beshy....sorry kasi di ko sinabi sayo agad na binilhan ka na ng ticket plane"Beshy wala na tong atrasan kasi pinadalhan ka na nila ng pera para sa pag punta mo ng maynila".paglalambing na sabi niya sa akin napasinghap na lang ako at ngumiti ng pagak.
"Ano pang magagawa ko ehh nandiyan na yan at besides kailangan ko din naman ng trabaho.
"Salamat na din beshy kasi makakatrabaho na ako.
sabay yakap ko sa kaniya.
"You're Welcomed beshyy"alam mo naman mahal na mahal kita sabay tawa niya.
IKAW talaga sabay tawanan namin.
"Beshy ano pala ang trabaho ko doon sa Maynila?
Beshyy..sorry di ko pwedeng sabihin yun kasi ang habilin ni tiyang sa akin na huwag ko daw sabihin sayo."Malalaman mo yan pag dating mo doon sa maynila.Malumanay na sagot niya sa akin.
Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi sinabi sa akin ni steph ang akjng trabaho sa maynila.Simula ng nagkakilala kami ni steph never siyang nag lihim sa akin kaya medyo nagtataka ako.
Tumingin siya siya sa akin at malapad na ngumiti"Ang sabi kasi sa akin ni tiyang na sobrang
mabait daw yun at gwapo pa .Ang Swerte mo kasi ikaw yung makakasama niya sa bahay.Sabi niya sa akin na may halong kilig...
"Bakit? tanong ko sa kanya
"Secret ...you will know it kapag nandoon ka na
"Sige na besh at may lakad pa kami ni josh".
"Get ready kasi tomorrow na yung alis mo papunta sa maynila".
Bukas!!!gulat na tanong ko sa kanya.
Ngunit hindi na niya ako sinagot kasi kumaripas na ito ng takbo palabas ng kwarto ko.
Napabuntung hininga na lang akong nakatingin sa kesami.
"Nagligpit ako ng mga damit at importanteng bagay na magagamit ko lang sa aking pagtatrabaho sa maynila".
"Pagkatapos kung mag ligpit ay naligo na din ako at naglinis ng aking silid.
"Habang naglilinis ako sa aking silid ay nanlumo ako,
sana nandito pa sila mama at papa siguro masaya at buo pa kami ngayon.
"Ang daya lang kasi iniwan na nila ako."Namatay kasi ni mama at papa sa isang aksidente binanga ng isang sasakyan ang minamanehong tricycle ni papa.Nadala man sila sa ospital kaso binawian din sila ng buhay.Hinanap ng mga pulis yung bumanga sa mga magulang ko.Kaso sa sobrang hirap ng buhay namin hindi ko kayang tumbasan ang salapi ng hinayupak na bumanga sa mga magulang ko.Yung nakabanga na yung sumagot sa lahat ng gastusin at mga bayarin na utang na iniwan nila mama at papa.Binigyan niya din ako ng isang munting bahay at lupa dito sa davao.Wala akong nagawa kundi ang tangapin ang mga binigay niya sa akin.Nabubuhay akong mag isa sa edad na 18 taong gulang hindi ako nakapagtapos ng pag aaral dahil kapos ako sa pera at hindi sapat ang pera na kinita ko sa pag titinda ng sa palengke.Kaya naisipan ko na lang huminto sa pag aaral.Hindi naman naging malungkot ang buhay ko simula nung nakilala ko si steph."
Kapag wala kasi siyang pasok sa trabaho niya ay dito siya pumapalagi minsan naman ay doon ako natutulog sa kanila.Naging malapit na din ako sa kanila at hindi nila ako. Itinuring na ibang tao ..
.