Anastasia's POV "Eto pa iha, damihan mo ang pagkuha." Ngumiti lamang ako ka'y, Aling Sally dahil sa binibigay nitong mga gulay. She's really kind. "Oo nga naman, mamaya ay magluluto ako dadalhan ko kayo." Wika naman ni Aling Gina. "Teka, kahapon ko pa po nakikita ang babaeng 'yon sa ituktok ng mga bato." Pahayag ko. Yes, it's been a week and I can say na nasasanay na ko rito sa Isla. Palagi akong sinasama ng mga ito kapag maglilinis sa Isla o kaya ay pipitas ng mga gulay o prutas. I can say that this is fun. Everything that I'm doing here is now fun. Unti-unti na kong nasasanay sa buhay dito sa Isla. Malayo sa s'yudad. "Nako, ang babaeng 'yon ay si Carol. Namatay ang anak n'ya at natagpuan malapit sa dagat." Aling Mira answered. Natigilan ako. Did someone die here? Naalala ko

