"ANO ba ang iyong sinasabi señorita nasa loob lamang po kayo ng inyong silid.
"what! kwarto koto nandito ako sa kwarto ko pero teka lang po alam kopo maaaring kwarto ko ngato pero po panaginip lang po ito maya maya lang po ay babalik na ko sa totoo kung bahay at panahon.
"jusko po! Kaawaan ka ng panginoon ano pobang nangyayare sa dalaga mukang nasisiraan nanga siya ng bait.
"Don fernando ipagpaumanhin niyo pero sa aking palagay ay mukang nasisiraan na ng bait si señorita anghela.
"ano ba ang sinasabi mo madre Elena tiyak ko na hindi nasisiraan ng bait ang aking anak.
"anak! daddy ko kayo sobrang naguguluhan nako. saad ko
"kagabi lang ay nagtangka kang magpakamatay dahil sa ayaw mong ikasal kay Rafael ngayon naman ay nasisiraan kana ng bait mahal kung anak batid kung may sama ng loob ka saiyong ama pero sana ako'y naiintindihan mo dahil para lamang din ito sayo.
"pero, totoo na nanaginip lang po ako at hindi ko kayo ama at hindi ito ang tunay kung kwarto.
"maya maya lang ay darating na si rafael kaya sana maging maayos ang lahat aking anak at sana pag bigyan mo ang iyong ama sa kanyang kahilingan.
"kung ipatawag ko napo ang mga manggagamot don fernando, dahil sa aking palagay ay mukang nasisiraan na ng bait ang señorita.
"manggagamot? nasisiraan ng bait? sa tingin nila baliw nako at dadalhin nila ko sa mental!
"kung ganon ipatawag mo ang ilang manggagamot kung sa ganon ay matignan nadin nila ang aking anak.
"teka! teka hindi po ako nababaliw o nasisiraan ng bait kaya hindi niyo po ako kailangan na dalhin pa sa pagamutan.
"narinig mo madre elena ang sinabi ng aking mahal na anak marahil ay epekto lamang ito ng kanyang problema.
"ngunit Don fernando hindi niya po kilala maging ang kanyang sarili ganon nadin po sa akin at saiyo.
"bakit konaman po kayo hindi maalala kayo po si madre elena at siya naman po ang aking daddy ay ang aking ama at nandito po ako sa aking kwarto. Palusot kung saad para hindi ako madala sa mental
"mainam kung ganon natatandaan muna na nasa loob ka ng sarili mong silid. nakangiting saad ni madre elena.
"hayaan na muna natin ang aking anak, batid kung kailangan niya ng pahinga dahil ilang oras lang ay darating na ang kanyang kasintahan.
"Balak pa nila kung dalhin sa mental, ei totoo naman lahat ng sinasabi ko at sino naman yung kasintahan ko na darating ngayon, wala pakaya kung boyfriend pero ngayon may boyfriend nako kahit hindi ko alam, kailan bakase ako magigising sa panaginip nato
"may bintana naman pero bakit ayaw nilang buksan para lumiwanag kahit papaano, teka kwarto ko pala to kaya pwede ko itong buksan. saad ko habang binubuksan ang bintana at unti unti kung nasisilayan ang liwanag na galing sa labas.
"oh my! sobrang ganda ng view ang aliwalas at fresh air. Hindi kapani paniwala na ganito kaganda ang paligid noon, para lang akong tumititig sa isang painting
"halos lahat ng nagwawalis sa labas ay naka damit ng katulad kung suot, ganon talaga ang mga suotan noon.
"magandang umaga señorito! sigaw na narinig ko mula sa labas.
"binibini, nais ko sanang itanong kung nasan si madre elena. saad ng lalaki na sisilayan ko sa bintana
"Andito kanapala kanina kapa hinihintay ni don fernando.
"sino naman tong lalaking to hindi ko makita ang kanyang muka dahil sa cap niyang suot, wait baka kapatid ko siya o tito o kaya....
"señorita anghela paumanhin po sa istorbo ngunit nais ko lamang pong ipaalam sayo na hinihintay napo kayo ng inyong kasintahan na si señorito rafael de santiago.
"rafael? sinong rafael
"paumanhin po señorita maawa po kayo sa aking buhay ayoko pong mapagalitan ng inyong ama.
"sobra nato hindi kona alam kung anong gagawin kailan bako magigising.
"sumunod kapo saaken señorita. saad nito at agad naman akong sumunod at dahil baka mapagkamalan ulit nila kung baliw o baka naman nawalan ng alaala
"susunod nalang ako dahil baka mamaya lang ay magising nako at makabalik.
"habang bumababa kami ng hagdan bawat sulok ng bahay ay parang makaluma talaga, sa huling hakbang ko ay nakita ko agad ang isang malaking larawan na parang family picture at nakita ko ang sarili ko sa larawan nayun na tila ba ay buhay ako noong panahon na ito.
"sandali lang ate. saad ko
"May problema poba señorita
"Ano pobang year ngayon at anong date
"ipag paumanhin niyo po señorita ngunit hindi kopo maunawaan ang inyong sinasabi na para po bang may iba kayong lenggwaheng ginagamit.
"Ah- a gusto kung malaman kung anong taon na ngayon.
"taon poba, ngayon po ay nasa...
"1892! oh my! nasa taon ako nasobrang tagal na
"señorita mukang nasisiraan napo talaga kayo ng bait kailangan kopo itong ipaalam kay madre elena.
"sandali ate, hindi ako nasisiraan ng bait
"ngunit señorita hindi po kayo ganyang manalita noon na parang nasisiraan na ng bait.
"paumanhin pagod lang ata ako tara na mukang hinihintay na ata ako ni madre elena at ng sinasabi mong rafael.
"PAGLABAS ko ng bahay wala kung ibang nakita kundi si madre elena lang wala ng iba pa at lalong hindi ko nakita yung tinutukoy nilang rafael.
"señorita ipag paumanhin mo na hindi muna naabutan pa si rafael de santiago mabilis siyang umalis na para bang may problema .saad ni madre elena
"okay fine matutulog nako para makabalik nako sa 2022 mukang sasabog nako sa mga salita dito, and i already miss my mom and dad.
"yang pananalita mo señorita para bang...
"señorita anghela saan mo natutunan ang salitang iyan? Hindi itinuturo rito ang wikang ingles. saad ni madre elena
"mahirap pong i explain madre elena siguro po naguguluhan kayo katulad ko pero po mas naguguluhan po ako pero pag gising ko bukas babalik na rin ang totoong anghela at makakabalik nadin po ako sa amen.
"jusko po! madre elena natatakot napo ako kay señorita anghela, tatawag napo ako ng manggagamot.
"hindi nga ako baliw kahit ipagamot niyo pako, bahala kayo basta ang real name ko ay angela fajardo twenty years old and galing ako sa feature sa taong 2022 at hindi sa 1892 maliwanag madre elena, alam kung hindi ka maniniwala pero yun talaga ang totoo at para akong sasabog kapag hindi ko agad nasabi to.
"Patawarin niyo po ako panginoon sa aking gagawen. saad nito sabay palo sa tagiliran ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay.
"ARAY! ang sakit ng katawan ko, nandito parin pala ako hindi parin ako nakakabalik
"ang sakit nung ginawa ni Madre elena kanina hah.
"kung totoong nasa 1892 talaga ko pero bakit may magulang ako pwede naman nag travel lang ako tapos dapat hindi nila ko kilala, grabe ang gulo sa kdrama kulang to napapanood pero ngayon saken na nangyayare.
"oh baka dinala ko dito ng librong binigay ni mommy, no way! imposible isa lang yung book at hindi yun gagawin saken ni mom hindi niya ko babaliwin ng ganto.
"teka, naka drugs bako kaya ko nag kakaganito what the heck bat naman ako magdrudrugs o baka may nag lagay ng drugs sa wine namen kagabi sa bar.
"hindi rin, sobrang imposible hindi naman ako sobrang lasing non nakapag take pa ngako ng shower tapos binasa kopa yung book.
"Book? Ewan hindi kona alam ang kailangan kulang gawin ay makabalik na sa hinaharap at dahil may class pako kay prof mariano.
"Si prof mariano? Tama baka si prof ang nagdala saken dito pero bakit walang reasons para dalhin niya ko dito hindi naman ako katulad ng mga classmate ko na walang ibang ginawa kundi mag landian sa room, kaya hindi si prof mariano.
"Gising napoba kayo señorita anghela. Saad ng babaeng nasa labas ng aking kwarto
"Ayan nanaman sila mas naloloka ko kapag may nagsasalita, hinampas ako ni madre elena dahil akala niya nababaliw nako tapos baka sunod nilang gawin saken ay ipadala na talaga ko sa mental.
"paumanhin po señorita anghela nais ko lamang pong ibigay saiyo ang liham na pinapaabot ni señorito rafael.
"liham? letter bayun o baka love letter para saken.
"maiwan kona muna po kayo señorita anghela. Saad nito sabay lapag ng lihim na agad kona mang kinuha.
"Liham
"Mahal kung binibini batid kung hindi patayo nagkikita kahit kailanman at wala pakung alam kung ano ang iyong itsura at maging din iyon saaken at batid korin na muntik monang bawian ng buhay ang iyong sarili ng dahil lang sa hindi moko iniibig, marahil hindi moko gustong makita sa ngayon.
"ngunit nais kulang ipaalam sayo na kahit hindi moko ibigin sapat na saken na ikaw ay aking iniibig.
"Nagmamahal, Rafael
"rafael? Ano bang meron sating dalawa o anong meron sainyo ni anghela
"at ang oa hah may pa love letter pa siguro panget siya kaya hindi siya gusto ni anghela, pero parang muka naman siyang pogi kaninang umaga pero bakit kaya ayaw siyang makita ni anghela
"Tapos muntik pasiyang magpakamatay kagabi dahil lang sa lalaking to ang OA non hah.
"señorita anghela! boses na alam kung si madre elena nanaman
"andyan nanaman yung madreng nakakatakot.
"señorita bumangon napo kayo sainyong higaan dahil nakahanda napo ang pagkain para sa hapunan.
"sandali po madre elena, nais ko lamang pong malaman kung bakit....
"nagawa koyun dahil inakala kona talagang nasisiraan kana ng bait ngunit wag kang mag alala dahil sinabi naman ni eduardo na pansamantalang nawala ang iyong memorya.
"eduardo?
"isang manggagamot, kaya ipagpaumanhin mona ang aking nagawa.
"okay lang po, hindi naman masyadong masakit but next time wag mona ulit gagawin yun kakain napo ako. Saad ko sabay bangon sa kama
"ADOBO? may adobo napala noon favorite koto. saad ko habang inaamoy ang ulam habang si madre elena naman ay parang naguguluhan sa kinikilos ko.
"ipag paumanhin niyo po señorita ngunit ngayon ko lamang po kayong nakitang ganyan kasabik sa pagkain kahit alam kung isa yan sa inyong paborito.
"bakit po hindi poba ako ganon dati. Palusot kung saad
"ibang iba señorita, kailanman ay hindi kopa po kayo nakikitang ganyang kumilos hindi po kayo nagsasalita kapag kumakain ay hindi po kayo umiimik, lagi lamang po kayong nagkukulong sa inyong silid na napaka tahimik.
"Nagkukulong? Bakit kaya. Bulong kung saad
"kaya marahil naninibago ako sainyo señorita
"Ano nga po pala pangalan ng daddy o papa o ama ko.
"si Don fernando azuncion at ang iyong ngalan naman ay Anghela azuncion.
"anghela azuncion sa 1892 pero sa 2022 angela fajardo, ei yung aking momm.. ina po
"ikinalulungkot kopong sabihin ngunit ang inyong ina ay namaalam na nung ikaw ay isinilang.
"kawawa naman pala si anghela namimiss ko tuloy si mommy. Bulong kung saad
"tanong kulang po madre elena, relatives poba kita ay mali ang gusto kopong sabihin kung ano pong ugnayan natin.
"hindi ko yata nasasabi, ako ay kapatid ng iyong namaalam na ina
"tita ko kayo! grabe hindi ko alam para tuloy wala kung galang kanina tita ko pala kayo.
"marahil marami ang gusto mong malaman nakakalungkot lang dahil pansamantala kang nawalan ng memorya na maging ang sarili mong buhay ay hindi mo nalalaman.
"Madre elena, pwede kopobang malaman kung sino si rafael
"Si señor rafael de santiago ay inyong nobyo na napagsunduan ng dalawang pamilya simula pa lamang nung kayo ay paslit pa.
"bakit po muntik nakung magpakamatay nung isang gabi.
"Ah yun, dahil yun sa ayaw mong makipag isang dibdib kay señor rafael at nagalit ka sa iyong ama na si don fernando.
"Ngunit bakit naman po.
"Dahil ikaw ay takot umibig at takot mabigo sa pag ibig kaya ayaw mong subukang mahalin si señor rafael at gusto mona lamang tumandang dalaga.
"takot umibig? Tumandang dalaga parehas din pala kami siguro alam niya din na mga manloloko ang mga lalaki at babaero
"mali po kayo señorita. saad ni tiya elena
"Ano pobang itsura ni rafael
"magandang tanong yan dahil alam kung hindi niyo pa nakikita ang isat isa, si señor rafael de santiago ay ang bunsong anak ni Don santiago at lubhang napaka gwapo nito.
"pogi naman pala, bakit ayaw ni anghela ay oo nga pala takot pala siyang umibig, parehas kaming wala pang experience pero alam ko naman na ang ending ay masasaktan kalang
"simula nung ika'y gumising señorita, maraming kaalaman ang nadagdag sa inyong isipan tulad na lamang ng wikang ingles. Saad nito na agad naman akong napatawa.
"tanong kulang po madre elena mayaman poba ang aking ama.
"Ang iyong ama ay isa sa mga mayayaman na nakatira dito, kilala sa lugar na ito ang ating pamilya lalo na ang pamilya Santiago.
"mayaman din pala si rafael
"Natutuwa ako saiyong mga tanong señorita anghela maging ang yaman ng iyong ama ay nais mong malaman.
"mayaman din daddy ko kahit sa 1892. natatawa kung saad
"hindi ako nagkakamali señorita, lubhang napaka ganda mo kapag ikaw ay tumatawa, ngayon ko lamang nakita ang ganyan mong ngiti.
"kay mommy ako nag mana kaya maganda ang ngiti ko.
"Maaari ko pobang itanong señorita kung ano ang kahulugan ng salitang iyong nabanggit kanina.
"alin po?
"yung salitang mo- mommy
"ah yung mommy po, ang ibang sabihin po non ay ina sa tagalog. paliwanag kung saad
"ina lang pala ang kahulugan niyan, lubha ka talagang matalino tulad ng iyong ama.
"oo nga po, teka lang po madre elena pwede ko po bang malaman kung kailan ulit pupunta dito si rafael.
"si señor rafael? . natatawa nitong saad na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko
"opo, diba po nobyo ko siya
"Oo nga, Natutuwa ako na ginagawa moto para sa inyong ama hayaan mo agad akong magpapadala ng sulat para kay señor rafael bumalik kana sa iyong silid at magpahinga.
"sige po
GRABE hindi parin ako makapaniwala na mangyayare to na babalik ako sa taong 1892, baka nag aalala na sila mom and dad and sila venice puro absent ako nito sa class pag hindi pako makabalik
"baka bukas makabalik nako pero bago ko bumalik gusto ko munang maka gala dito kung lumabas kaya ko wala naman dito si Don fernando.
"Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto swerte naman ako dahil wala si madre elena at wala din tao kaya mabilis akong makakaalis.
"señorita anghela, saan po kayo pupunta. Boses ng babaeng katulong na nagsumbong saken kay madre elena na nababaliw nako
"hah, gusto kulang magpahangin sa labas
"paumanhin po señorita, ngunit mahigpit pong ipinagbabawal ni Don fernando na wag kayong palalabasin.
"huh? hindi ako pwedeng lumabas.
"dahil batid niyo rin po kung anong pwedeng mangyare sa inyo kapag kayo ay lumabas.
"i can take care of myself, i'm not a child anymore .diin kung saad sabay takbo palabas
"Señorita! Bumalik kayo pakiusap
"hindi ko narin to makikita bukas kaya please ngayon lang. Pahabol kopang saad
NAMANGHA ang mga mata ko sa mga nakikita ko na para bang ayoko ng pumikit.
"Wow ang ganda totoo batong nakikita ko lahat ng tao nakasuot ng damit ng katulad ng akin ano nga ba tawag dito ah basta ang ganda.
"Kalesa bayun, kalesa pa ang gamit noon wala pang bus and car and others.
"ang ganda ng mga puno kumikinang parang diamond sa sobrang ganda.
"Ano kayang lugar to?
"Magandang umaga binibini. saad ng dalawang lalaki
"Ah goodmorning din ay hindi magandang umaga din.
"lubhang napakaganda ng iyong mukha nais mobang sumama sa amen nais kalang namen makasama sa kasiyahan mamayang gabi.
"Huh? Kasiyahan mamayang gabi sorry pero hindi po ako sasama sainyo, paumanhin mauna napo ako
"Sandali binibini. saad nito sabay harang si dinadaanan ko
"alam mobang nasaktan mo ang ameng damdamin binibini. sa takot ko ay agad akong tumakbo papalayo at naghanap ng matataguan.
"Mga bastos nayun! akala koba magagalang noon sobrang nakakatakot yung kanina teka baka hanapin nila ko need ko ng pang self defense. sakto nakakita ako ng pamalo at agad ko naman itong kinuha
"nakakapagod tumakbo. at sobrang hingal nadin ako kaya umupo muna ko sa lapag para magpahinga at yumuko saglit.
"Okay kalang ba, Binibini?