CHAPTER 1

1343 Words
ATHENA'S POV Napabuntong-hininga na lang ako nan makita ang laman ng wallet ko. Sakto na lang 'yon para sa linggong ito, Malayo pa ang sweldo, kailangan kong magtipid. Sumakay ako sa humintong jeep sa harap ko. Umupo ako bandang dulo para madaling makababa at nag-abot ng bayad. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ako. Binuksan ko ang gate ng apartment kung saan ako naka-tira, matapos kong umalis sa bahay. Nag-simula na akong umakyat sa hagdanan, dahil wala naman elevator ang building. Kahit pa apat na palapag ito at may rooftop. Nasa second floor naman ang unit ko kaya hindi na hassle para dumaan ako sa hagdan. Nasa harap na ako ng unit ko at kinukuha ang susi sa bag ko nang may humawak sa balikat ko. "Bulaga!" Agad kong nilingon iyon at nakita ko si Wendy. Ang pamangkin ng landlady na si aling Nina at kaibigan ko. "Napaka-epal naman eh," sabi ko at nagpa-tuloy sa pagha-hanap ng susi. "Late ka ata ngayon mare?" pagba-balewala niya sa sinabi ko. Nang makita ang susi ay binuksan ko ang pinto at pumasok. Isinindi ko rin ang ilaw. Tapos ay sumunod si Wendy at siya na ang nag-sara ng pinto. Umupo ako sa nagi-isa kong sofa para mag-hubad ng sapatos. Umupo rin si Wendy sa tabi ko. "Siguro may ka-date ka kaya ka late naka-uwi?" tanong niya. "Inggit ka naman diyan." pang bubuyokong sagot sakanya "Ay so, meron nga?! Talandi ka! Ang sabi mo ay gusto mong mag-aral tapos ngayon may jowa ka na?!" "Sira! Madami kasing customer sa cofee shop kaya late na akong naka-uwi." naiinis kong sabi Tumayo ako para ilagay ang sapatos ko sa lagayan ko ng mga sapatos. Martes kasi ngayon, dapat ay 3-4pm ay naka-uwi na ako. Pero dahil nga sa dami ng customer ay inabot ako ng alas-8 ng gabi bago maka-uwi. Hindi kasi 24/7 ang Cofee Shop hindi katulad ng 7/11. "Nako siguraduhin mo lang Athena! Oh eh, kumain ka na ba?" tanong ni Aling Nina *umiling ako.* "Hay nako kang bata ka! Teka at ikukuha kita sa baba. Tama pa lang hinintay kita maka-uwi para may kasabay akong kumain." Hinayaan ko siyang lumabas ng unit ko para kumuha ng pag-kain namin sa baba. Pumasok naman ako sa kwarto ko para mag-linis ng katawan bago kumain. Nang matapos makapag-bihis at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko si Wendy na nagha-hain na sa lamesa. Lumapit ako roon at umupo. Naka-hain na ang adobong manok at kanin. "Oh hayan na mahal na reyna kumain ka't magpaka-busog ha?" ani ni Wendy Tumayo ako ulit para yakapin si Wendy. Hindi ko alam ang mangyayari sa'kin kung wala sila ni Luke. "Thank you," sabi ko at hinipitan pa ang yakap. Naramdaman kong gumanti siya ng yakap at marahang hinaplos ang likod ko. "Para ka na namang others! Tsaka hindi ito libre! Babayaran mo ako sa sahod mo para may pang-Shopee ako. Malapit na ang pay day sale!" nag bibiro nyang ani Nag-tawanan kami bago nag-simulang kumain. Pagka-tapos ay ako ang nag-hugas ng pinag-kainan namin. Habang siya naman ay naka-upo sa sala habang nanonood sa maliit kong TV. Tumabi ako sa kanya nung natapos akong mag-hugas ng pinggan. Nag-kwentuhan pa kami tungkol sa nangyari sa araw namin bago nag-pasyang matulog na. May pasok pa siya at ako ay may trabahopa ulit kinabukasan. Nag-linis pa ako ng ibang kalat sa sala at kusina bago pumasok sa kwarto ko para makapag pahinga narin. Malamig na pag-pasok ko dahil kanina ay binuksan ko na 'yon bago ako mag-linis ng katawan. Nag-skin care lang ako saglit tapos binuksan ang electric fan at pinatay ang ilaw at humiga sa kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masyadong sanay sa paraan ng pamumuhay ko ngayon. Pero wala akong magagawa. Mas mabuti na 'to kesa manirahan sa bahay kasama ang hayop na si Lukas na yon . Habang pinipilit kong maka tulog biglang sumagi sa aking isipan na Kailangan kong mag-tipid at Kailangan kong mag-tiis sa kung anong meron ako ngayon. *** Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag trabaho. Naligo ako at nag-ayos bago lumabas ng kwartomatapos iyon Inilapag ko sa lamesa ang bag ko para makapag-kape, Kinuha ko ang 3in1 instant coffee at tinimpla. Kung dati ay naka-coffee maker ako at kumpleto ang mga kagamitan sa loob ng kusina, ngayon nagti-tiis ako sa isang maliit na kusina at kulang sa kagamitan. Matapos mag-kape ay nag-sepilyo ako ulit at nag handa na bago umalis ng unit. 8:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon ang duty ko t'wing pang-morning shift ako kapag Monday atv Wednesday at kapag Thursday to Saturday yun and night shift ko, 6pm ng gabi hanggang ala-una ng umaga iyon. Dahil hindi 24hrs ang Cofee shop na Pinapasukan ko. Nang maka-baba sa first floor ay nakita ko si Aling Nina na nagwa-walis. Lumapit ako sa kanya para mag-mano. "Good morning po, tita Nina." "Uy Athena, andito ka pa pala. Akala ko'y sabay kayo ni Wendy pumasok." nag tatakang tanong nya Tita Nina ang tawag ko sa kanya kapag kaharap ko siya. Aling Nina naman kapag kami-kami lang nina Wendy. "Kailangan po kasing maaga si Wendy ngayon dahil may quizz raw siya. Alam niyo naman teachers sa school niya, laging advance sa oras masyado." pag papaalala ko Tumawa si aling Nina. "Kaya pala ala-singko pa lang gising na siya. Oh siya sige na't pumasok ka na rin baka ikaw naman ang mahuling pumasok sa trabaho" Pag-dating ko sa Cofee Shop ay k-konti pa lang ang customers dahil nga Maaga pa lang naman. mga bandang hapon at gabi kami usually maraming customer lalo na tuwing sunday ng gabi. **** Tumingin ako sa aking orasan at saka lang na pansin na Ilang oras lang ay lunch time na. "Here's your order Ma'am," sabi ko at inilapag na ang kanyang order sa lamesa. "Kaly pa sub saglit. Bathroom break lang ako." pakiusap kong sabi kay kaly bago dumiretchong cr "Sige Athena." Mabilis akong pumuntang sa CR para umihi. Pag-balik ko ay saktong nag-ring ang telepono sa likuran ko. Hindi ko na sana papansinin 'yon dahil si boss M naman ang sumasagot doon. Pero wala siya sa lamesa niya at busy ang lahat sa kanya kanya nilang costumer. Kaya naman no choice sinagot ang telepono. Tumikhim muna ako bago nag-salita. "Moshi moshi! Good afternoon, Ma'am/Sir! This is KoFi Cofee shop, How may i help you sir/mam?" Masigla kong bati sa telepono. *Katahimikan* Napatigil ako sa sasabihin ko ng may mag salita sa telepono. "Ano sasabihin ko rito, Hyungs?" sabi sa kabilang linya mukang bata pa dahil sa tinig ng kanyang boses. "Edi malamang sasabihin mo orders mo!" sagot naman ng kanyang kausap sa kabilang linya. "Basahin mo lang 'yang nasa papel." "Hello? Uh, tatlong Spise-" "Anong Spise? Spice 'yon Niko!" "Shio ba? Hindi ko kasi maintindihan sulat ni Shan hyung. Sorry Miss, take two tayo. Tatlong orders ng Pumpkin Spice Latte, dalawang Java Chip Frappuccino, at isang Green Tea Crème Frappuccino." Isinulat ko 'yon sa papel at tinanong Kung may ipapa-ragdag paba sila. " Muffins tatlo, Boston Cream Donut dalawa, at Chocolate Croissant. "Okay Sir, I'll repeat your orders...." inulit ko ang sinulat ko sa papel. "Then, may I know your address, Sir?" "Ah, dito sa JYP." JYP? Bakit naman nila naisipan mag-delivery foods eh may sariling cafeteria ang malaking entertainment company na 'yon? "Okay Sir, your orders will take for 15-20 minutes. Is that okay?" "15-20 minutes daw hyungs!" Sigaw nung kausap ko. Inilayo ko ang telepono, ang sakit sa tainga! "Oo basta maka-kain ako! Sawa na ako sa pag-kain sa caf." "Pero teka, sakto ba 'yang orders mo? Meron ba tayong pito?" "Hello miss? Sorry ang ingay. Ilang orders po iyong na-order ko?" "It is only for six-person po." agad kong sagot sa tanong nya "Hala shet!" Inilayo ko ulit sa tainga ko ang telepono. "Bunganga mo Niko!" "Lagot ka kay Cirin hyung!" "Hahaha! Siya pa naman nag-suggest na mag-cofee tayo!" "Favorite niya cofee tapos 'di mo siya in-orderan? lagot kaa!" pambubuyo pa ng nasa kabilang linya. Magsa-salita na sana ako pero naunahan ako nung nasa kabilang linya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD