"Helios, ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit parang galit ka sa akin? Ano ba ang nagawa ko?" nandidilat ang mga matang tanong ni Grasya sa Mafia boss. Saan ba nanggagaling ang matalim na emosyon ng huli? Bakit ganoon ito sa kanya? Natigilan ang lalaki. Nabawasan ang pag-iigting ng panga nito. Bumuntong-hininga si Grasya. Marahan niyang pinalis ang kamay ni Helios na nakadiin sa linya ng balikat niya. Hinanap niya ang remote control ng TV at in-off iyon. Kahit papaano ay guminhawa nang bahagya ang dibdib niya nang namayani ang katahimikan at hindi na pumapasok sa tainga niya ang pamilyar na boses ng kanyang kababata. Pumihit siya paharap kay Helios, seryosong tumitig sa mga mata nito. "Hindi ko gustong panoorin pa si Severen,” buong katapatan niyang sabi. “Sa totoo lang, hindi ako intere

