CHAPTER 27

2063 Words

Muling ibinuka ni Perseia ang mga labi nito. Nasa komedor pa rin sila at nakaupo sa palibot ng pahabang mesa. “Grasya—” Umungol ang Mafia boss at pinukol ng iritadong tingin ang kakambal. Wala yata itong balak na itikom ang bibig nito. Ang dami nitong tanong, at ang dami nitong sinasabi. “One more word, and I’m sending you back to our parents’ house right now.” Tumikwas ang mga kilay ng kakambal niya, hindi nagustuhan ang sinabi niya rito. “Ano ba ang problema mo? Bawal bang kausapin ko ang bihag mo rito? Ikaw lang ba ang puwedeng kumausap sa kanya? Baka naman mapanis ang laway niyan?” “Tigilan mo ang kakatawag sa kanya ng bihag.” Hindi niya gustong pinagdiriinan ni Perseia ang katagang iyon. At hindi niya gustong nagmumula iyon sa bibig ng ibang tao. Pumalatak ang babae, gumuhit ang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD