Nang hanapin yun ng teacher at nakitang nasa bag niya. Sobra sobra ang lakas ng t***k ng puso ko sa kaba at nangangatong ang mga kamay ko.
Hindi rin naman siya tumangi ng makita 'yun. Pero alam ng lahat na matalino siya kaya imbis na ipagtanggol niya ang sarili niya ay mga classmate na namin ang gumagawa non para sa kanya.
Tahimik lang ako sa aking upuan at napansin ang mariing titig sa akin ni venice.
Guilty ako kaya umiwas na lang ako ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun totoo pala talaga nasa huli ang pagsisisi.
Tahimik parin ako habang kumakain kami ni belle sa canteen kinabukasan.
"Sa tingin mo ba ginawa talaga ni felix yun? kawawa naman siya narinig ko sabi ng mga classmate natin ngayon ang punishment niya." Tuloy tuloy na sinabi ni belle na nagpabalik ng wisyo ko.
"Huh?..." Nagining ang boses ko.
Napansin niya sigurong balisa ako. Nanliit ang mata niya at mas lumapit sa akin.
"May kinalaman ka ba don?." She whispered on me.
Namilog ang mata ko at nataranda "Wala ah." Tinuon ko na lang ang tingin sa pagkain para iwasan siya.
Nang matapos ang breaktime ay naabutan namin si felix sa 'di kalayuan na may hawak na map at timba. Kausap niya ang iilang classmate namin.
"Nagkaroon ka tuloy ng punishment kahit alam naman nating lahat na 'di naman ikaw ang gumawa non." Si venice.
"Oo nga felix, Sana ipinaglaban mo na hindi talaga ikaw. Naniniwala kami sayo." Si miguel.
"Walang pusong ang gumawa non felix." Narinig kong sabi ng ilang classmate namin.
Sobrang guilty talaga ang nararamdaman ko para sa aking sarili.
"Hindi naman siguro, Wag nyo na masyadong isipin yun......." Sagot ni felix.
".......ang mahalaga ay hindi naman ako irereport ni Ma'am."Dugtong niya.
Hinigit ko na agad si belle upang makaalis na kami don. Alam kong mali talaga ang ginawa ko kung may pagkakataon lang na maulit yun sana 'di ko na lang ginawa.
"Wala ka ba talagang ginawang kalokohan?." Tanong ni belle habang naglalakad kami.
Hindi ko na kaya magsinungaling naiiyak na ako. Dahil sa mga pinag-gagawa ko. Malungkot akong nakatingin kay belle.
Hinila ko siya upang magtungo kami sa comfort room at doon ko na lang sabihin sa kanya ang totoo.
"Ako yung naglagay ng answer sheet sa bag ni felix.." Sabi ko at tuluyan ng naiyak sa harap niya.
Niyakap ko siya at binaon na lang ang mukha sa balikat niya. Gusto ko magtago sa kahihiyan sa mga pinag-gagawa kong 'di maganda.
Bumuntong-hininga lang siya habang hinahaplos ang likod ko. Malakas hagulgol ko dahil ang bigat-bigat ng pakiramdam.
"You have to apologize to him..." bulong ni belle sa akin.
Tumatango lamang ako bilang tugon sa mga sinasabi ni belle. Ayun 'din ang gusto kong gawin 'di ko lang alam kung paano natatakot ako.
Kaya nang matapos ang buong araw ng klase ay panay ang sulyap ko kay felix. Naghahanap ako ng tyempo para makausap siya.
Pero hindi ko kaya.
Tumingin ako kay belle na nahuli kong nakatingin sa akin at nakangiti. Bumuka ang bibig niya at may sinabi siya sa akin.
"KAYA MO YAN"
Naintindihan ko naman kahit paano ang sinasabi niya. Niyakap ko na lang ang bag ko at hindi pa tumatayo.
Hinawakan ko ang keychain na ginawa niya noong nasira. I realized how thoughtful he is.
Kahit paano ay lumakas ang loob ko. Mapapatawad niya ba agad ako kung sasabihin ko sa kanya na ako ang gumawa non.
Halos konti na lang ng mga classmate ko sa loob ng Classroom ay nilaksan ko na ang loob kong kausapin siya.
Bumaling ako sa kanya at nahuling nakatingin sa akin. Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin.
Naghuhumerentado na ang puso ko sa kaba.
"Can I talk to you, felix." Matapang kong sinabi.
Nagulat siya sa sinabi ko."Yes of course."aniya.
Nasa labas na kami ng classroom at wala ng estudyante sa gilid. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"I'm the one.... who actually put the answer sheet on your bag......." My voice is shaking.
Akala ko nung una magagalit siya. Pinaghandaan ko ang sarili ko para doon.
Ngunit tumango lang siya at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko para bang alam na niya na ako ang gumawa non.
"Sabihin mo sa teacher na ako ang gumawa non. I'm ready for the punishments for me.
Bumaling ulit siya sa akin malambot ang titig niya. Hindi ganon ang gusto kong ibalik niya sa akin masama ang ginawa ko sa kanya dapat lang ay magalit siya.
"There is no need to do that." he said.
"Why not.....I'm the one who did it.... I'm the one who should be punished....." Naiiyak kong sinabi.
"Hindi kita pagbibintangan sa kahit anong bagay!... At hindi ko hahayaang maglampaso ka o kahit na mag walis." Aniya.
Namilog ang mata ko. Talaga bang 'di niya ako isusumbong. Pero ayoko na rin na siya ang nagbabayad sa mga ginawa kong masama.
"Why?..." Pagalit kong sinabi.
Hinilot niya ang kanyang sentido."Ayoko lang. Wag na tayo mag-away please....." Pagod niyang sinabi.
Inirapan ko lang siya at aalis na sana sa harapan niya ng hinigit niya ang braso ko. Kaya napaharap ulit sa kanya.
"Don't be mad at me." he said.
I glared at him."You moved school so I wouldn't be angry with you anymore." Matamaan kong sinabi.
Binawi ko na ang braso ko sa kanya at nagmartsa na paalis sa harap niya.
That was our last fight. We were still classmates for three years and I didn't get along with him for a few years.
Paminsan minsan napapansin kong sinusubukan niya akong kausapin habang magkatabi kami. Pero iniirapan ko lang siya kaya 'di na rin niya naitutuloy na kausapin ako.
Mas lalo pang nadagdagan ang inis ko kapag nakikita siyang maraming kinakausap na estudyante dito sa school.
Maraming may gusto sa kanya dito kada maglalakad kami ni belle laging pangalan niya ang naririnig namin na pinag-uusapan siya.
"Kung meron 'man akong Ideal boyfriend si felix yun." Sabi ng mga estudyanteng sa gilid namin habang kumakain kami sa canteen.
Umirap ako sa kawalan. That fungi nerd is the most disgusting person if you only knew.
"Talaga ba ako din kaya!." Hiyaw ng kausap nito.
"Diba parehas tayo. Ang bait kase niya at ang talino pa! Nakakalaglag ng panty kapag ngumiti...." They both screamed loudly.
Halos maibuga ko ang iniinom kong ice tea sa narinig ko. Kumuha agad ako ng tissue upang punasan ang bibig ko.
What the f**k!... What they are talking about.
As time goes on I get more jealous of the various things.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita ang sarili na nasa Top 3 ulit. Kung hindi ko lang iniisip ang sasabihin ng parents ko ay okay na rin sakin iyun. Pero para sa akin ang opinyon nila ang mahalaga.
Hindi nanaman maganda ang naging tugon nila mom and dad doon. Naiintindihan ko naman na naging ganon ang response nila sa akin. Dahil ang mga kapatid ko ay palaging nasa unahan.
Sa sobrang sakit at pagkamuhi sa nararamdaman ko ay wala akong gustong isipin kundi mawala si felix sa school dahil alam kong 'di ko talaga siya kayang taasan.
Ang pag picture sa kanila ni venice ang nakita kong paraan para siraan silang dalawa at nang sa ganon ay mapaalis sila dito sa school.
Pero na realize ko this is a selfish way.
Hindi to maganda at hindi ito magiging healthy para sa akin.
Habang nakahiga ako sa aking kama at iniisip ang mga bagay na iyun. Tulala akong nakatingin sa kisame.
Hindi ko dapat ito ginagawa, Hindi dapat ako naiingit ng ganito. Dapat ay maging kontento ako sa kung anong meron ako, at sa kung ano ang kaya ko.
Nagpasya akong idelete ang picture at nangakong hinding hindi na gagawa ng masama.
Saturday noon. My auntie and uncle visited our house. Nung una ay masaya pang nagkamustahan hanggang dumating na sa point na ibinibida na ni Dad ang mga awards nila ate elise at kuya steven.
"How about andrea?." Tanong ni Auntie, siguro napansin niyang hindi ako binanggit ni daddy.
"There is nothing new, She is always in the Top 3.....Wala naman siyang kahit anong parangal sa school niya." Sabi ni daddy at tumawa ng malakas.
Nakaramdam ako ng pagka-insulto. Mapait akong ngumiti sa kanila at piniling umalis na doon. Ayoko ng may marinig pang masakit na salita sa sarili kong mga magulang.
Sa pait at sakit na naramdaman ko ay lumabas na lang ako ng bahay. Tumutulo ang luha ko habang naglalakad palabas.
Hinanap ko agad ang bike ko at sinakyan umalis ako at 'di ko alam kung saan pupunta. Basta ang gusto lang muna ay ang umalis.
Mabilis ang pagdyak ko sa aking bike dala na rin ng sobrang sakit ng nararamdaman. Nakarating na ako ng kabilang bayan sa sobrang bilis ko.
Bigla akong napa preno ng makita si felix na lumabas ng bahay na may dalang malaking sako.
Kasunod niya ang kanyang lola may sinasabi sa kanya. Nang maibaba ni felix ang sako ay hinaplos ng lola niya ang kanyang ulo.
"Thankyou apo.." sambit ng kanyang lola.
Ngumiti si felix at kiniliti ang lola niya at nagtawanan sila.
I smiled slowly. Mukhang masayang masaya ang buong pamilya nila. Ilang saglit pa ako tumigil doon at pinagmasdan si felix na tinutulungan ang lola niyang mag-ayos ng halaman.
Kahit sino naman siguro ay gugustuhing maging anak siya. Matalino, mabait, matulungin kaya siguro ay mahal na mahal siya ng lola niya.
Napabaling ang lola niya sa banda ko kaagad ako nag-iwas ng tingin.
Nang maibalik ko ang sulyap ko ay palapit na sa akin si felix.
Shit! Kinabahan ako bigla.
"Andrea..." Sabi ni felix nang makalapit sa akin.
"Uhm... Nag bibike lang ako." Agap ko.
Wala pa naman siyang tinatanong ngunit sumagot agad ako 'di ko alam kung halatain ba ang pagkataranta ko.
Nasa likod niya ang kanyang lola at nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik.
"Hi hija.. Classmate ka ba ng apo ko?." Tanong ng lola niya.
"Uhm.. opo." Nahihiya kong sagot.
Napansin ko ang pagkalabit ng lola niya sa braso ni felix. Para bang sinesenyasan niya ng magsalita si felix.
Dumapo ang hiya sa kaloob-looban ko.
Napangiwi ako at mahigpit na nakaawak sa manibela." Sorry po sa istorbo uuwi na po ako." Sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"Ah hija.. pasok ka muna sabayan mo kami mag meryenda." Sabi ng lola niya.
Mas lalo akong nahiya sa anyaya ng lola niya."Hindi na po nakakahiya po..."
"Sige na pasok ka." Si felix.
"Sige na hija..."
Akward akong ngumiti dahil hindi na ako makatanggi sa anyaya nila. Bumaba na ako sa aking bike at kaagad na kinuha ni felix iyun.
"Thanks." Sabi ko ng matapos niyang iparada sa tabi ng mga bahay nila.
Nalaglag ang panga ko ng makapasok sa bahay nila. Makikita mo agad sa sala ang mga certificate, medals, trophy ni felix.
Hindi mo mabibilang sa sobrang dami. He is so f*****g genius talaga!.
Napansin niyang natigilan ako habang tulala sa mga awards niya. Tinabunan niya ng katawan ang paningin ko.
"Let's go...." nahihiya niyang sambit.
"Are you an alien?.."Tanong ko dahil sa gulat parin sa mga awards niya.
"Huh?..." He chuckled.
Hinila na niya na ako upang magtungo sa hapag. Nakahain doon ang maraming Bananacue at juice.
Pinaghila niya ang ng bangko. Umupo ako at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay nila.
Sapat lang ang laki ng bahay nila. Beige and white ang kulay nito at may mga iilang halaman pa at mapapansin mong alaga ito sa linis.
Tumusok siya ng bananacue at nagsalin ng juice at binigay sa akin.
"Masarap ba? Kumakain ka ba niyan?." Tanong ni felix.
Bumaling ako sa kanya sa tabi ko. "Oo naman."sabi ko.
Mayamaya pa ay pumasok ang lolo niya at dalawang lalaki sa loob ng bahay.
Natigil ako sa pagkain dahil nahihiya nanaman ako. Nang makita ako ng lolo niya ay ngumiti agad ito sa akin.
"Good afternoon po." Bati ko.
Napansin kong natigilan ang dalawang lalaking nasa gilid ng lolo niya at makahulugang nakatingin kay felix.
"Good afternoon din hija." Bati ng lolo niya sa akin.
Naging komportable naman ako kahit papano. Ang babait ng pamilya ni felix.
"Andrea mga pinsan ko si Augustine at lucas." Pakilala ni felix sa dalawa.
Pinsan niya pala ang mga ito. Naglahad si lucas ng kamay sa akin ngunit bago ako tumugon doon ay tinabing agad iyun ni felix.
Napabaling ako sa kanya na mariin ang titig sa kanyang pinsan.
"Kumain na lang kayo!." Matigas na sinabi ni felix.
"Seloso..." Sabi ni Augustine at nagtawanan sila ni lucas.
Sumabay ang dalawa sa pagkain sa amin. Hindi sila mahirap pakisamahan sa totoo lang. Masaya silang kakwentuhan kaya kahit papaano ay naging kumportable naman ako.
Napabaling na lang ako sa aking ibaba ng may marinig akong nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makakita ng isang nagsasalitang robot.
"What a robot?." Gulantang kong tanong.
"Hi.....Hi.....Hi...." Paulit-ulit na sinasabi ng robot.
I shocked my whole system. Alam kong matalino siya pero palagi niya akong ginugulat na may mas itatalino pa siya sa alam ko.
"Sino may gawa sa kanya ang cute!." Sabi ko at mangha nakatingin sa robot.
"Sino pa ba edi si genuis boy." Ani ni lucas.
Napatingin ako kay felix at nahuling mariing nakatingin kay lucas. Bumaling siya sa akin at nagbago ang expression tila nahihiya.
Ngumiti ako sa kanya. Nag-iwas siya at namula ang mukha.
Ang pag-ayaw na naramdaman ko sa kanya nung una ay tila napapalitan ng pagkatuwa.