ELONA'S POV “Did you hear me, Mahal? I said, let’s get married para wala nang rason na iwanan natin ang isa’t isa. At akin ka na talaga habang buhay at hindi na makahahabol pa si Lorenzo,” seryoso na saad ni Daddy Rowan. “Hi–Hindi ka ba nagbibiro, Daddy Rowan na magpapakasal tayo?” hindi makapaniwalang sambit ko, dahil baka biro lang niya ito sa akin at ayaw ko namang umasa. “Mukha ba akong nagbibiro? Kita mo na ang seryoso kong nagsasalita, ‘di ba?” gagad niya,. “Ba’t ang suplado mo na naman? Nagtatanong lang naman ako, naging moody ka na naman. Gan’yan na talaga yata ang tumatanda na,” napapailing na sabi ko. “Matanda? Mukha na ba akong matanda, ha? At kung matanda na ako, ba’t nakakailang buga pa ako sa ‘yo,” segunda niya. “Pasmado talaga ‘yang bungangan mo. Ang ganda–ganda

