ELONA’S POV “O, nandito na pala ang anak–anakan mo, Mahal kong asawa,” sambit ni Sophia nang dumating ang mga ito. At matalim naman ang tingin ni Daddy Rowan sa akin. Siya pa talaga ang may ganang magalit kung sakali dahil siya naman itong nanloko sa akin. “Sasabihin mo ba sa kanya na buntis ka? Mukhang nagkabalikan sila ng Ex–wife niya,” bulong sa akin ni Lorenzo. “Siguro nga, Lorenzo dahil nakita naman natin kung paano siya humalik kay Daddy Rowan, ‘di ba?” mahinang saad ko. “Anong balak mo ngayon? Dito ka pa rin ba o sasama ka sa ‘kin?” tanong nito. Huminga ako ng malalim. “Dito muna ako, Lorenzo tawagan na lang kita.” “Okay, ikaw ang bahala at pasyal–pasyalin kita rito,” tugon nito. “Salamat, Lorenzo at ingat ka,” ngiti na sambit ko. Alam kong nag–aalala rin ito sa kal

