ELONA'S POV “Kaya pala umalis ka na agad dahil nandito ka sa kabit mo! Hindi pa tapos ang party natin, pero pumuslit ka na—na para kang magnanakaw lang! At ni wala ka man lang pasabi sa akin!" sigaw ni Sophia dahilan upang pagtinginan ito ng mga nurse na nando’n. “Huwag kang manggugulo rito, Sophia dahil nasa hospital ka, at hinaan mo 'yang boses mo,” awat ni Daddy Rowan dito. “At ba’t hindi, ha! Dapat lang akong manggulo dahil ako dapat na asawa mo ang siyang inaatupag mo, hindi ang kabit mong ‘yan at ang bastardong anak mo!” asik pa ni Sophia, kaya naman nilapitan na ito ni Daddy Rowan. “Tumigil ka sa pagsabi mong bastardo ang anak ko, Sophia kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng hospital na ito,” pagbabanta niya. “At anong tawag mo sa anak mong sanggol na ‘yan, ha! Kabi

