ELONA'S POV “Lola Lorena! Lolo Jerry!” tuwang sambit ng anak kong si Rowella nang dumating kami rito sa bahay nila dahil hindi nila alam na ngayon kami uuwi. Kaya naman nagulat sila sa aming pagdating. Ang ipinaalam kasi namin sa mga ito ay uuwi kami, pero wala kaming binanggit na petsa dahil gusto namin silang sorpresahin. “Apo ko, Rowella!” naiiyak na sabi ni Tita Lorena na niyakap ang anak ko. Kahit hindi nila kagudo si Rowella ay hindi nila ipinararamdam ‘yon at hindi iba ang turing nila sa anak ko. “Na–surprise ho ba namin kayo, Lola, Lolo?” tanong pa ng anak ko. Nagmano ito at kinandong naman ito ni Tito Jerry. “Yes, Apo, na–sorpresa n’yo kami. Pero sana’y nagpasabi man lang ang mama ay daddy mo para masundo namin kayo,” wika naman ni Tita Lorena. ‘Yon ho talaga balak

