ELONA'S POV “Ms. E.M,” ngiti pa na sambit ni Daddy Rowan na hindi inaalis ang kamay sa harapan ko. Tumingin ako kay Lorenzo at tumango lang ito sa akin, kaya naman tinanggap ko na ang kamay ni Daddy Rowan. Tumayo ako at pumunta kaming dalawa sa gitna. At hindi ko alam kung saan ko ihahawak ang dalawang kamay ko. “I’m Rowan Villegas, and I am the former owner of V–incorporation. And one of your investors. Um, can I touch your waist?” pagpapaalam niya sa akin. At matagal bago ako tumango. Kapag nagsalita kasi ako’y baka makilala pa niya ako. “I saw your name on the lists, kaya alam kong nandito ka na. So I walk closer to you para maisayaw kita,” ngiting aniya. Hinawakan niya ang baywang ko, kaya naman tila para akong nakuryente. At hindi ko alam kung saan ko ihahawak ang kamay ko.

