ELONA'S POV “Umuwi ka na, Sir Rowan at nanggugulo ka lang dito!” narinig kong bulalas ni Lorenzo. “Hayóp ka, Lorenzo! Hayóp ka! Ilabas n’yo si Elona kung ayaw mong magkamatayán tayo rito!” sigaw naman ni Daddy Rowan na niyugyog ang gate. “At ba’t naman namin ilalabas si Elona, ha! Wala kang kuwentang lalaki, kaya umalis ka na kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” gagad naman ni Lorenzo. “Tumawag ka kung gusto mo! Basta’t ilabas mo si Elona dahil hindi ako aalis dito! Ilabas n’yo na si Elona, ilabas n’yo na!” nagsisi–sigaw na sabi ni Daddy Rowan. “Ano ka ba, Mr. Villegas? Nakikita mo bang nanahimik na mga tao rito, ha! At tulog na si Elona para manggulo ka rito! Kaya kung ako sa ‘yo’y umuwi ka na dahil nakakaistorbo ka!” asik naman ni Tito Jerry. “Wala akong pakialam sa ‘yo, Mr

