Chapter 6: PAGNANASÅ

1282 Words
ELONA'S POV “Si—Sir,” lunok na sambit ko dahil patuloy pa rin sa pagsipsíp si Sir Rowan sa daliri ko, habang nakatingin siya sa akin. Umiwas na lang ako nang tingin sa kanya, pero ang kaba ko’y abot hanggang talampakan ko. “Done,” aniya na binitawan ang kamay ko. “Mag–ingat ka sa susunod dahil baka iba na mahiwa mo at iwasan mo rin na nakaawang ‘yang labi mo dahil iba ang dating sa akin. Sige na, hugasan mo ‘yang daliri mo at lagyan ko ng band–aid ‘yan,” saad pa niya at tinalikuran ako. Naghugas naman ako at pagbalik ni Sir Rowan ay may dala na ito at ‘yon siguro ay band–aid at bulak. Ganito na pala ang bulak dahil nakaplastik. Pinunasan niya ang kamay ko gamit ng puti niyang towel. Inilagay niya ang bulak na may likidong brown at ipinaikot niya ang band–aid sa daliri ko. “Salamat po, Sir,” ngiti ko. “Okay na, at ako na lang magpatutuloy nito,” dagdag pa niya at ipinagpatuloy niya ginagawa ko. “A–Ako na lang po riyan, Sir dahil nakahihiya po. Katulong n’yo po ako, kaya ako po dapat gumagawa niyan,” pahayag ko. “May sugat ang kamay mo at pahilumin mo muna. Kaya, huwag ka nang makulit kung ayaw mong kagatin ko ‘yang daliri mo,” aniya. Tumahimik na lang ako at panaka–naka ko na siyang pinagmamasdan. Napangiti tuloy ako dahil ang kisig niya. Pero, ang bilis niyang maghiwa. “Dahan–dahan lang po kayo, Sir dahil baka mahiwa n’yo ‘yang ahas ninyo. Baka, tuluyang mamatáy ‘yan, lalo na at matulis ‘yang kutsilyo,” pagpapaalala ko sa kanya. “Mas matulís ang ahas ko kaysa sa kutsilyo na ito. Dahil ang ahas ko, kapag nakagat ka, wala ka na agad kawala. Kaya, huwag mo na ‘kong titigan dahil matagal na ‘kong pogi,” wika niya sa akin. “Alam ko na po ‘yon. Kaya nga po ako tumitingin sa inyo dahil pogi kayo. Pero, mag–ingat pa rin kayo kahit mas matulis ang ahas ninyo,” sambit ko. Napatingin na naman tuloy ako sa ahas niya na nauuntog sa mesa. “Um, Sir, ilayo n’yo ng kaunti ‘yang ahas ninyo dahil nauuntog. Baka, magkabukól po ‘yan,” saad ko. “Huwag kang mag–alala dahil matagal ng may bukol ito,” ngiti na wika niya sa akin. “Saka ‘wag ka na ring tumingin dito dahil baka malusaw,” sambit pa niya, dahilan upang magsalubong ang kilay ko. “Malulusaw? Mukha po bang kandila ‘yang ahas n’yo, Sir? Parang ‘di naman,” takang tanong ko. ‘Sabi ko lang. Para ‘di mo na titigan pa, para hindi ka rin mapaso,” depensa niya. Hindi na lang ako sumagot nang may maalala akong itanong. “May asawa na po ba kayo, Sir?” Tumingin siya sa akin. “Sapalagay mo?” “Hindi ko po alam, kaya ko nga po kayo tinatanong,” sambit ko. “Tumahimik ka na lang at huwag ka nang magtanong. Manood ka na lang sa akin, O kaya’y magluto ka na,” utos niya. Dali ko namang ginawa ang inutos niya at bumalik ako sa upuhan ko. “Ano nga pala ikinamatay ng magulang mo?” tanong niya. “Sa landslide po, Sir. Bagyo po kasi noon at walang humpay ang pag–ulan. Lumambot ang lupa at gumuho ‘yon at kasama mga magulang ko at kaming magkapatid. Pero, ako lang at ang sumunod sa akin ang naligtas ni Uncle Mario,” pahayag ko. “Nasa’n ang kapatid mo?” tanong niya. Lumunok ako. “Na–Nasa ibang tao po.” “I see. Hindi naman kayo puwedeng magkasama sa isang bubong. At alam ko lang kasi ay mag–isa mo lang dahil ‘yon ang nabanggit sa akin ni Mang Mario,” saad niya. “Pa’no n’yo po ba nakilala si Uncle Mario, Sir? At saka, marami naman pong babae rito sa siyudad. Saka, alam n’yo na ngayon na may pagkatanga–tanga ako, kaya puwede n’yo naman akong tanggalin,” saad ko, dahilan upang pukulan niya ako nang masamang tingin. “Nakita ko na lahat sa ‘yo, tatanggalin pa kita? I mean, saan ka pupunta kapag tinanggal kita? Wala, ’di ba? Hindi mo alam uuwihan mo. At nakilala ko lang si Mang Mario sa market. Saka, matututo ka naman dito sa bahay,” pahayag niya sa akin. “Pagtatiyagaan n’yo ‘ko, Sir kahit ganito ako?” untag ko. “Yeah–I mean, yes,” sagot niya at niluto niya na ang ham at itlog. Paglipas ng kalahating oras ay naghain na ako at nag–almusal na kaming dalawa. “Kumain ka nang marami para tumaba ka naman, natusok kasi ako sa buto mo,” reklamo niya at sumubo siya ng ham. “Amanos lang po tayo, Sir dahil nakatutusok din ‘yang ahas ninyo. Payat din po ‘yan gaya nang braso ko,” saad ko, dahilan upang mabulunan siya. “Kuh, Sir, may nakaalala sa inyo,” dagdag ko. Tumayo ako at hinahagod–hagod ko ang likod niya. “I’m fine now. Balik ka na sa upuhan mo,” aniya. Umupo na rin ako. At inubos ko na ang almusal ko nang mapansin kong nakatitig sa akin si Sir Rowan, sabay alis sa kanin sa labi ko. ROWAN’S POV Bakit ba ganito nararamdaman ko? Simula nang makita kong hubad si Elona ay hindi na siya maalis sa isipan ko. Dámn it! At siya agad ang hinahanap ng mata ko paggising ko kanina. Iniligo ko na lang dahi nag–iinit na naman ako kahit may aircon naman, pero kahit sa banyo ay siya pa rin talaga nasa isip ko, lalo na at alam nakita niya akong nagsasalsal kagabi. And she assumed I was saying another woman's name while masturbatíng, but she had no idea, it was her! At kasalanan man na pagnasahan ko siya ay ito ay nararamdaman ko. Mabuti na lang na nakapagpigil pa ako kanina dahil gusto ko nang laplapín ang labi niya. Subalit, nakaramdam ako ng awa nang makita ko ang suot niya. Halatang–halata na talagang salat siya sa buhay. At lalo akong naawa nang malaman ko kung ba’t hindi siya nakapagtapos ng elementarya. But, my mood changed when she cut her finger earlier and I have no idea why I súcked on it. At palihim din akong tumitingin sa kanya. Pati sa pag–alis ng kanin sa bibig niya’y inobliga ko pa. “Ano bang nangyayari sa ‘yo, Rowan?” bulong ng isipan ko. Tumayo ako. “Ikaw na bahala rito at pakilinis nga pala kuwarto ko,” utos ko. “Pagkatapos ay maglaba ka na rin at doon muna ako sa swimming pool, sa likod lang ng bahay,” saad ko. Tumango lang siya sa akin. At naglakad na ako palabas at humugot ako ng malalim na hininga. “Magpigil ka, Rowan dahil para mo na siyang anak kung nag–asawa ka nang maaga,” bulong ko. Nagswimming na lang ako because I want to get rid of the heat in my body again. Pero, nakalimutan kong wala akong tuwalya, kaya tinawag ko si Elona. Pero, hindi naman siya sumagot. “Ano kaya ginagawa ng babaeng ‘yon?” bulong ko. Umahon na ‘ko at pumasok ako sa bahay. “Wow!” narinig kong sambit ni Elona, kaya naman agad kong tinungo ang kuwarto ko at nanlaki ang mga mata ko dahil nilolobo niya ang cóndóm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD