ELONA'S POV “Elona!” gagad ni Daddy Rowan na lalapit sana sa amin, ngunit pinigilan siya ni Sir Victor. “Hindi dapat pinag–aaksayahan ng panahon ang babaeng ‘yan, kaya hayaan mo na ang kabit mo dahil sabi ko naman sa ‘yo na kung kani–kanino lumalapit ‘yan. Ayaw mo kasing maniwala sa akin, kaya ayan na nakita mo na naman sila’y magbago na sana ang isip mo dahil tinatarantado ka—” “Stop it, Papa! Stop it!” asik naman ni Daddy Rowan. “Huwag mong sabihing ipagpipilitan mo pa rin ang gusto mo, Rowan dahil nakita mo na ang katotohanang malandi talaga ang kabit mong ‘yan, kaya umalis na tayo at kailangan ka na ng tunay na asawa mo,” mariin naman na wika ni Sir Victor at matiim na tumingin sa akin. “Ano ho bang pinagsasa–sabi n’yo, Sir Villegas? At ba’t binibigyan n’yo agad ng malisya ang

