ELONA'S POV “At saan mo dadalhin ang anak ng amo ko, ha!” asik ng yaya na ito na nanlilisik ang mga mata nito sa akin. “Anong sinasabi mong anak ng amo? Anak ko ito at inaangkin lang niyang anak!” gagad ko. “Siinungaling ka, kaya ibigay mo sa akin ‘yang baby,” maawtoridad na wika nito. “Hindi ko ibibigay sa ‘yo ang anak ko! Umalis ka dinaraanan ko kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso! At baka pati ikaw ay idemanda ko dahil kasama mo ang mga hbaliw mong boss! Alis!” matigas na utos ko. “Aba’t talagang palaban ka, ha!” sabi nito na hinablot ang buhok ko. Inilapag ko saglit ang anak ko at nilabanan ko ito. “Matapang ka,” asik nito na lalong hinigpitan ang pagkahahawak sa buhok ko, kaya naman kumuha ako ng lakas at sinuntok ko ito sa tiyan dahilan upang bumagsak ito at nawalan i

