ELONA'S POV “Anong gagawin n’yo sa anak ko, Sir Victor? Akin na ‘yang anak ko at baka kung anong gawin n’yo sa kanya,” maawtoridad na sambit ko. “Titingnan ko lang ang apo ko kung talagang apo ko nga ito. Pero dahil nakita ko namang na kamukha ni Rowan ay anak nga niya ito. Pero hindi ibig sabihin na apo ko ang batang ito’y magiging maayos na ang pakitutungo ko sa ‘yo. Kabit ka pa rin ng anak ko at ang batang ito ay isang bastardo! Salot itosa lipunan!” gagad nito. “Kung salot sa lipunan ang anak ko, ibigay n’yo na siya sa akin dahil hindi kayo magandang ehemplo sa kanya!”asik ko at itinulak ko ang dalawang tauhan at kinuha ko ang anak ko rito na siya namang paglabas ni Sophia. “Well, well, well,” taas kilay nito na pinaghalukipkipan ako ng braso. “Nandito na pala ang kabit de–kury

