ROWAN POV “Ano? Na–realise mong mahal mo ‘ko kaya ka bumabalik sa akin?” Tumawa ako nang malakas dahil alam kong isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng babaeng ito. Pero hindi dahil ramdam ng puso ko mga sinasabi nito. “Nakatatawa ba ang sinabi ko, Rowan? ‘Yon ang totoo, kaya ako nandito ngayon dahil alam kong malaki pagkukulang ko sa ‘yo bilang asawa mo,” mariin na wika nito dahilan upang ngumisi na naman ako. “Alam mo pala ang bagay na ‘yan, Sophia. But it’s over dahil kung na–realise mong mahal mo ‘ko, ako naman ay hindi na. Noon oo—na mahal kita at totoong minahal kita at alam mo ‘yan pero sinayang mo lang ang lahat. Hindi ko alam kung pinahalagahan mo ko, o ano. At walang komprontasyon sa pagitan nating dalawa. Ni wala ka ngang naibigay, o naipaliwanag sa akin na valid

