ROWAN POV “Pabayaan n’yo ‘ko dahil kaya kong maglakad mag–isa!” sigaw ko sa mga guard dahil hinila ako ng mga ito palabas sa opisina ni Lorenzo. Galit at poot ang nararamdaman ko dahil sa ipinagsigawan ni Lorenzo na may virus ako, kaya naman nagsilayo saakin ang mga nanditong empleyado. “Nanggugulo ka lang dito, Sir, kaya umalis ka na! At ayaw naming mahawaan ng sakit!” gagad ng guard sa akin. At halos itulak ako ng mga ito. “Mga bastos kayo! At wala akong malalang sakit!” singhal ko. At tumingin ako kay Lorenzo na prenteng nakaupo habang umiinom ito ng alak. “Wala ba, Mr. Villegas? Baka nga may áíds ka na, kaya kung ako sa’yo’y magpatingin ka dahil ang hilig mo sa babae, ‘di ba? At mga bebot tinitira mo,” ngisi na wika ni Lorenzo dahilan upang mapangiwi ang ibang empleyado rito.

