ELONA'S POV “Hindi ko na kaya, Lorenzo! Hindi ko na kaya!” humihiyaw na sambit ko at kapit na kapit ako sa braso ni Lorenzo. “Kaunting tiis na lang at malapit na tayo sa hospital,” kabadong saad ni Loreno sa akin at lalo niyang binilisan ang pagmaneho. “Bilisan mo, Lorenzo, bilisan mo!” ngiwi na sambit ko dahil ramdam kong lalabas na ang baby ko. Pilit kong hinubad ang panty ko, para pagkapasok ko sa palanakan ay bubukaka na lang ako. “Heto na, Elona, heto na,” ani Lorenzo na inihinto ang sasakyan. Bumaba ito at binuksan nito ang pinto at binuhat ako palabas. At halos takbuhin nito ang loob ng hospital. “Nurse! Nurse! Manganganak na ho itong lola ko– este misis ko–este ay kaibigan ko pala,” natatarantang saad pa ni Lorenzo. “Ilapag n’yo na po si misis diyan po sa hospital bed, Si

