ELONA'S POV “Kalimutan mo na ‘ko, Daddy Rowan dahil hindi natin puwedeng ipagpatuloy ang relasyon nating dalawa. May asawa kang tao at ayaw kong mabuhay sa katotohanan na mistress mo lang ako at anak mo sa labas ang ipinagbubuntis ko. So please na, let go ka na para hindi tayo masaktan,” garalgal na saad ko habang umaagos ang luha ko. “Sa tingin mo’y hindi ako nasasaktan sa ginawa mong pang–iiwan sa akin without knowing na umalis ka sa hospital, ha! Ni hindi mo sinabi kung nasaan ka dahil ang dahilan mo’y ayaw mo nang gulo! Pero lalong gumulo ang sitwasyon nating dalawa no’ng ginawa mo ang bagay na ‘yon. Kaya please, bumalik ka na sa akin, Elona at tayo ulit dahil hindi ako buo kung wala ka. Alam mong ikaw lang kaligayahan ko, so please come back to me and let’s go home,” pakiusap niya

