Chantelle
"Attorney, you have meeting in 30 minutes." Sabi ko hawak ang list ng schedule niya.
"Okay, Chan. Please bring me a coffee." Utos niya. Tumango ako at naglakad palabas. Hindi ulit ako nakatakas sa matatalas na titig ng mga nagtatrabaho dito. I chin up, stand straight and walk. Bahala kayong mainggit.
Dumeretso ako sa coffee maker para gumawa ng kape. Mahina akong pakanta-kanta habang hinintay matapos ang ginagawa ko. Bigla akong nakaramdam ng tao sa likod ko kaya napalingon ako. "Yes, Attorney? May kailangan ka?" siya si Atty. Molina, isang supladang lawyer na walang ginawa ang magpapansin kay Atty. Herera. She's beautiful with a class pero minsan lumalabas ang sungay niya.
"Bilisan mo nga diyan! Ang tagal." Tinulak niya ng malakas ang likod ko kaya natapon ang mainit na kape sa kamay ko. Napangiwi ako sa init. Dinagdagan ko na lang para wala ng problema. Namula ang likod ng palad ko dahil sa paso. Umamba akong sipain siya habang nakatalikod. Nangigigil ako eh, sa huli ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ang nangyari.
"Thank you, Chan." Pasalamat niya matapos kong ibigay ang kape. "It taste good as usual. Sasama ka sa meeting mamaya? Ikaw na lang ang makinig, tinatamad ako eh."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "For real? Ang exciting kaya no'n, madami kang makakasamang magagaling na lawyer." Humigop muna siya ng kape bago bumaling sa'kin.
"It's because we're always doing it, nakakabagot sa loob. Kailangan kita do'n ikaw na lang makinig." Ngumiti siya sa'kin na parang pinipilit ako, napailing na lamang akong pigil tumawa.
I can't say no to this, he knew it. "Alam mo talagang hindi ako maka-hindi basta ganito ang usapan nuh?"
"Yes," tumawa siya ng malakas. "That's why i asked you to be there."
"Opportunity na din 'yon at experience. Maghahanda na din ba ako ng sarili?"
"Kahit 'wag na, you look so gorgeous."
Hindi ko mapigilang tumawa, "'Wag ka ngang magbiro!"
"I'm not kidding!" depensa niya habang nakangiti.
"Yes, you are. Mag-aayos muna ako ng sarili. Thank you, Attorney." Anong gorgeous? Sinong gorgeous? Simple lang kaya ako.
Pumasok ako sa restroom para mag-ayos ng sarili. Nagretouch ako ng konti at inayos ang damit ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Tama na siguro 'to.
"Look, who's here?" napalingon ako sa biglang pagpasok ng unprofessional lawyer.
"Oh? Attorney, hi. Nagkita tayo kanina." Pilit akong ngumiti kahit nakakairita ang mukha niya.
"Mag-aayos kasi ako para sa meeting namin ng mga KILALANG mga lawyer sa bansa." Diniinan niya talaga ang kilalang. Inirapan ko lang siya at tumalikod bigla akong napahinto para sa sasabihin.
"See you, Attorney. Magkakasama pala tayo sa loob." Nagpaalam ako sa kaniya na nagtataka. Wala siyang kaalam-alam na ando'n din ako mamaya.
"Ready?" tumango ako.
"Masyado ka yatang nagpaganda ngayon." Komento niya.
"Hindi ah, nagretouch lang ako sandali, ayaw ko namang pumasok do'n na parang dugyot ang itsura."
Tumawa siya at ibinigay sa'kin ang notebook. "Mas maganda ka pa nga sa mga babae dito eh." Inayos niya muna ang coat niya at necktie.
"'Wag kang ganiyan ah? Magagalit 'yong mga may gusto sa'yo sa labas."
"What? I'm just telling the truth."
"Tara na kaya, 5 minutes na lang ang natitira, Attorney."
"Sabihin mong sumasakit ang ulo ko ah?" kinurot ko siya sa kamay kaya napaaray siya.
"Tinuturuan mo pa akong magsinungaling."
"Sige na, Chantelle. Tamad talaga akong makinig eh." Ngumoso siya habang nagpapaawa.
Napatakip ako ng bibig para pigilang tumawa, "Hindi bagay sa'yo, Attorney."
"Sige na, please."
"Okay, okay." Napataas ako ng dalawang kamay para pagbigyan siya, pinasama naman niya ako eh.
"Kailangan nating magseryoso sa loob, okay?" hindi ko alam kong magseseryoso ba talaga kami kasi nga tumatawa siya.
"Ano ba?! Akala ko ba seryoso?" tumawa kaming dalawa sa labas ng meeting room. Hindi ko mapigilang hampasin siya. "Tahimik na," huminga kaming dalawa ng malalim saka ko binukasan ang pinto. Pinauna ko siya papasokin.
"Good afternoon, am i late?" he asked.
"Just in time, Atty. Herera. Who's with you?" nilibot ko ang tingin ng makitang hindi lang pala sila sampo kung hindi ay sobra pa. Napanganga ako sa mangha. Ganito sila ka dami?
"Miss, why are you here?" huh? Ako ba ang tinatanong? Hinanap ko ang tinig na 'yon.
"Ah, i'm sorry, i have to bring here my secretary because i'm not feeling well to listen." Senenyasan niya akong lumapit sa kaniya. I greeted them and walks towards Atty. Herera.
"Dito ka sa tabi ko, muntikan na kitang tapunan ng sapatos para bumalik sa ulirat mo." Mahina siyang tumawa.
"Shhhhh,, tumahimik ka nga. Ako lang pala ang outsider dito. Tingnan mo!" they are all wearing black coat.
"That's why i bringed you here because it's boring, Chan. Ikaw na lang ang makinig."
"Ewan ko sa'yo, Atty." I saw Atty. Molina giving me a scary face. What hell is her problem again? Kulang sa pansin. She rolled her eyes. Nasa kabilang parte kasi siya. It's a U-shaped meeting room. Like bleachers with table then the mini stage is in front kung saan ewan ko kung ano ang pag-uusapan nila.
"There's Judge Ferraro." Pumasok ang isang matandang lalaki na may suot na salamin. He's so thin but tall.
"Hindi pa ba siya magreretire?" I asked. Masyado na kasi siyang matanda.
"No, he said he's going to serve until he can't see and hear." Napahanga akp do'n ah? "He always read books, laws, and other articles."
"How did you know?"
"Because he's my uncle." He slightly laugh. Sinamaan ko siya ng mukha. For real? He always like to joke.
"Stop kidding."
"No, i'm not kidding. Tingnan mo siya, hahanapin niya ako at kakaway and worst he might use the microphone." Binantayan ko ang bawat kilos ni Judge Ferraro. After he greeted lawyers ay humarap siya sa lahat, he bowed his head at tumalikod.
"Wala naman ah?"
"What supp, Atty. Herera?" napatigil ako bigla. Napatingin ako sa harap. He's holding the microphone.
"Hey, uncle!" John waved his hand. "See? I told you. I know him." he whispered. Siniko ko siya at tinarayan. I heard him laugh.
Tama nga ang sinabi niya sobrang boring ng meeting na 'yon. It's all about the success each of the lawyers and they have field trip and team building next month. They planned it at ako? Taga-sulat lang dito sa notebook. Atty. Herera is leaning his head above the desk. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.
"Umayos ka nga!"
"I'm sleepy, hindi ata effective ang kapeng tinimpla mo."
"At least naman umupo ka ng maayos, pinagtitinginan na tayo dito oh!" bulong ko sa kaniya habang nanggigigil. Parang gusto ko siyang kurutin pero hindi ko magawa kasi nga amo ko siya.
"Let them. Magsulat ka lang diyan. Masama ang pakiramdam ko 'di ba?"
"Yeah," biglang napalingon ang nasa unahang upuan namin. Nagtataka ata kung anong nangyayari sa kaniya. "Masakit ang ulo ni Atty. eh." Pagdadahilan ko. Tumango sila at humarap sa unahan.
Pagkatapos ng meeting ay nagsitayuan na ang lahat maliban kay Atty. Herera. Niyogyog ko anv balikat niya pero hindi pa din siya nagsasalita. "Atty.! Atty!" tulog ba 'to? Ilang ulit kong siyang niyugyog pero hindi siya nagsasalita. Naisipan kong malakas siyang kurutin sa tagiliran. "Gising na! Tapos na ang meeting."
"Aw! Aw! Ouch!" bigla siyang napatayo. Napalingon ang mga nagsitayuang lawyer sa loob para umalis. "Ang sakit talaga ng ulo ko." Sabi niya habang pinanindalatan ako ng mata. Patago lang akong ngumiti.
"Tapos na kaya, bakit ka natulog? I can't believe you." Napakamot siya ng ulo.
"Nakakaantok kaya! Tara na nga!" umalis kaming dalawa para bumaba.
"Hindi ka magpapaalam sa uncle mo?" umiling siya.
"No, magkikita din naman kami mamaya. So, saan daw?"
"Tagaytay daw. 10,000 payment fee, 2 nights and 3 days. " Kwento ko sa kaniya.
"Arrgghhh.. sasama ka ba sa'kin?"
Napaturo ako sa sarili, "Ako?"
"Yes, sino pa ba?"
"I can't, Atty. Besides lakad 'yon ng nga lawyer. I'm just your secretary." Sinimangotan niya ako bago niya binuksan ang pinto.
"That would be boring without you, hindi na lang ako sasama." Ano? Seryoso ba siya? I can't be with him. That's exactly Amara's birthday.
"Atty.?! You can go there. That day is Amara's birthday, my baby." Humarap siya sa'kin na nanlalaki ang mga mata.
"Her birthday? Then, can i go there?" I tried to think about it. Wala naman kaming handaan. Just maybe the two of us or with Fely.
"Oh, i tried to think about it." Lumaylay ang balikat niyang umupo sa upuan niya. "Besides, next month pa naman 'yon." He smiled widely.
Lumipas ang mga araw na lagi akong sinasama ni Atty. Herera sa lakad niya. He even ask me to join him in his lunch. He's kind and good though.
"Opppp! Sorry." Nilampasan agad ako ni Atty. Molina. Nadumihan tuloy ng spaghetti 'tong damit ko. Nakasuot pa naman ako ng kulay puting long sleeve. Wala na akong nagawa kung 'di ay mainis. Pinunasan ko ang damit gamit ang tissue sa restroom perp ayaw matanggal ng kulay pink. Nakakainis talaga ang babeng 'yon.
Napanganga ako ng makaramdam ng lamig mula sa likuran ko, "Ay! Sorry talaga, Chantelle. Teka hahanap ako ng pamunas." Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.
"Hindi na! 'Wag na! Ang plastic mo!" umalis ako sa harapan niya at dumeretso sa opisina.
"Oh? What happened?" Atty. Herera asked.
"Nasabuyan lang ako ng juice ni ATTY. tangina!"
"Atty. What?"
"Atty. Molina! Pansinin mo na kasi. Ako pinag-iinitan no'n eh." Paano ko ngayon pupunasan 'to eh nasa likuran ko.
"Ako na, give me the tissue." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at inabot sa kaniya ito.
"Bakit niya naman gagawin 'yon? Kalog ba utak niya?" I rolled my eyes.
"Duh! Alam mo bang ganiyan siya lagi sa'kin?"
"What? Then, siya din ang nagtapon ng spaghetti sa damit mo?" tumango ako. "What about the coffee in your skirt?" I nodded again.
"Why didn't you tell me?"
"Wala lang naman 'to."
"It's not--------," pinigilan ko siya sa ano man anv sasabihin niya.
"Shhhhhhhh......shut up!"
"May t-shirt ako dito, suotin mo na lang. Giginawin ka diyan sa damit mo." He walked towards his desk and open the drawer. May kinuha siyang damit na hindi pa yata nasusuot. "Here!" hinagis niya kaya sinalo ko. "That woman must be crazy."
"She's crazy for you," tumawa ako at iniwan siya para magbihis.
Kakatapos ng lang ng trabaho ko. I have to go home straight. Baka hinihintay na ako ng bulilit ko o kaya naman nagagalit na naman si Sky sa kaniya. Nang makalabas ay dama ko agad ang simoy ng malamig na hangin dahil papalapit na nga ang christmas.
"You b***h!" napasandal ako ng malakas sa nakaparadang kotse. Atty. Molina walks until she reach me. Hinawakan niya ang panga ko ng may diin. "May gana ka pa talagang magsumbong kay Atty. Herera nuh?" blangko akong tumingin sa kaniya habang hinahawakan ang kamay niyang nasa panga ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malakas ko itong binaklas na ikinahapdi nito. Nasugatan ako sa kuko niya.
"Secretary ka lang, alam mo ba kung ano ako? I am professional lawyer!" kasabay ng paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Tumabingi ang ulo ko papuntang kanang direksyon.
"Pakealam ko? Ano ba ang ikinabukal mg dugo mo sa'kin? Secretary lang naman pala ako?" mataray kong tanong.
"You stole Atty. Herera from me, b***h!" sinabunutan niya ang buhok gamit ang dalawa niyang kamay.
"Ouch! G*ga ka ba? Napaka-unprofessional mo! Bitawan mu'ko!" pinapabitaw ko ang kamay niya pero patuloy lang itong humihigpit.
"Akala mo talaga hindi ko alam nuh? Na kay Atty. 'yang damit mo!" napahiga na ako sa gilid ng kalsada. Sinipa ko siya sa kung saan kaya napabitaw ito. "Arrgghhh! b***h ka! b***h!" napapikit ako ng akma itong sasabunot ulit.
"Molina! What are you doing?! Chantelle," lumapit si Atty. Herera sa tabi ko para patayuin ako.
"Okay lang ako," inalalayan niya ako at bumaling kay Atty. Molina.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nawala ba utak mo? Sayang ang lisensya mo, ibalik mo sa gobyerno." Natulala siya sa sinabi ni Atty. .Hindi din ako makapagsalita sa sinabi niya.
"You have bruises, Chan. Tara gamutin natin." Aya sa'kin ni Attorney.
"Hindi, sa bahay na lang. Hinihintay ako ng anak ko eh." Lalo akong gagabihin 'pag dito ko pa ginamot 'to, hindi naman masyadong malaki.
"Sige, ihahatid na lang kita. I can't believe she did that to you."
"Chantelle?" napahinto ako ng makarinig ng isang tinig. Napapikit ako habang nananalangin na sana hindi siya 'to.
"Attorney Ledesma? Ikaw nga! Bakit hindi ka nakapunta ng meeting last week?" para akong naestatwa. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi niya ako puweding makita.
"I was busy. Chantelle!" hinawakan niya ang balikat ko. Nanginig ang balikat ko. Kailangan kong tumakbo, kailangan kong umalis.
"Do you know her?" sa pagbigkas na 'yon ay sinimulan kong tumakbo. Wala akong pakealam kong ano ang itsura ko ngayon pero ayaw ko siyang makita. Hindi niya puweding makita si Amara.
"Chantelle!" sabay nilang sigaw.
"Chantelle, wait!" sigaw ni Dave.
Nagmadali akong pumara ng sasakyan. Huminto ito sa harap ko kaya agad akong sumakay. "Manong, bilis po." Nakita ko silang dalawa na humahabol. Napayuko ako dahil sa kaba na baka maabotan nila ako. I can't let this happen again.
____________________________________________________________________________
Fb: Ate Eni
Ig: Gixxserss
Twitter: Gixxserss