Chantelle's POV Sobra ang pasasalamat ko sa itaas ng naging maayos ang takbo ng hearing noong nakaraan. I was so happy, not only me but all of us. Sky's family. "Wow, you look perfect!" Mama called us para sukatin ang gown na susuotin namin sa event na gaganapin. It's white with black stripes tube and ball gown. Gusto kasi ni Mama na maging mas nakakaagaw pansin ang damit ko. "Ma, sobrang ganda nito." Tumingin ako sa salamin na kita buong katawan ko. Sobrang ganda nito at alam kong mahal ang bayad nito ni Mama. Pinaharap niya ako sa kaniya, "Parang medyo loose dito banda, anak. Sa tingin mo? Kailangan ba nating paliitan ng konti?" ang kaniyang tinutukoy ay ang bandang ilalim ng kili-kili ko. "Oo nga, Ma. Hindi masyadong hapit baka malalag." "O, sige. 'Wag kang mag-aalala lalo ka

