Chantelle "What?! Anong nangyari? Yes, papunta na ako." Kinuha ko ang bag at nagmadaling lumabas sa office. "Where are you going?" Attorney asked. "My daughter's principal called me, you have meeting in 2 hours, tingnan mo na lang ang schedule." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa'kin. "Sino ba ang boss dito? Ako o ikaw?" hindi na ako sumagot at deretsong naglakad. Hindi ko alam kong ano ang nangyari but i have to go there. Siguro may masamang nangyari. Hindi maiwasang hindi kabahan. Dumating ako sa school na sobrang kaba ng dibdib ko. I knocked the door twice before opening it. Pumasok ako at nakitang nakaupo ang anak ko sa harap ng principal. "Baby," niyakap ko siya sa sobrang pagaalala. Mabuti na lang at wala naman siyang galos o ano. "Sky!" niyakap ko din siya. "Calm d

