Iniwan ko muna si Amara kina Vane. Hanggang ngayon naglalaro pa din sila, ayaw ngang umuwi ni Amara. I'll fetch Chantelle all by myself, okay na din 'yon para hindi ako mapagsabihang nagpapanggap. Pagkadating sa harap ng building nila ay tinext ko siya na nasa labas na ako. Wala akong natanggap na mensahe pero naghintay ako sa labas ng kotse ko. Sumandal ako malapit sa pinto habang nakatingin sa entrance. Napaayos ako ng tayo nang makita siyang lumabas pero nagtaka ako na nagmamadali siyang naglakad. "Magandang gabi," bati ko. Hindi niya ako sinagot at deretsong pumasok sa kotse. What's with her? Gano'n pa din ba? Gaya ng kanina? Galit ba siya sa'kin? Napatingin ako sa lalaking huminto sa harapan ko na tila'y may hinahanap. "Hey, may nakita ka bang babaeng matangkad? Ah, morena?" kum

