Lalong lumala ang ubo ni Amara kaya hindi muna namin siya pinapasok. Kahit si Chantelle ay gusto na sanang mag-absent pero kaya ko naman siya bantayan. "Hindi na lang ako papasok." Sabi niya. "Chan, ako na ang bahala sa kaniya. Kung do'n na lang muna kaya tayo sa condo? Medyo malayo tayo sa hospital, eh." Napalingon ako sa sunod-sunod na pag ubo ni Amara. Mabuti at marunong siya kung paano umubo ng maayos, sa likod ng braso niya. "Mom, I'm okay. I'll drink plenty of water, I promise." Umubo ulit siya. Malalim akong huminga at pinakiramdaman kung meron siyang lagnat. Hindi naman siya mainit. "Chan, dalhin na lang muna natin siya sa condo. Bagong linis naman 'yon at tiyak wala ng alikabok." Nag-aalala na ako sa kalagayan ng bata. Kung magpapatuloy pa 'to ipapakonsulta ko na siya sa

