"Aaaaaaaaah!" sigaw ni Baldassare sa walang katapusang limbo at tuluyang nakakita ng liwanag. Hindi nagtagal ay bumagsak siya sa matigas na semento. Kung nasa maganda lang na kalagayan ang katawan niya ay hindi siya masasaktan ng ganoon. Pero dahil bugbug sarado na, ni hindi niya magawang bumagsak sa mundo ng mga mortal sa pamamagitan ng dalawang paa. Biglang napamulat ng mga mata ni Baldassare. Hirap man, nagawa pa rin niya. Bumungad sa kanya si Inconnu. Kunot noo itong nakatitig sa kanya habang nakaluhod sa harapan ng mga summoning kit. Hindi nakatakas sa paningin ni Baldassare ang malaking pagbabago ng dating legendary devil. Maigsi ang buhok nito. Malinis ang mukha na alaga sa pagaahit. Iba na rin ang paraan ng pananamit nito. Nasa moda. Polo shirt at jeans na sakto rito ang suot nit

