"I'm sorry..." anas ni Baldassare at ibinaon ang mukha sa ulo ni Maricon. Ramdam niya ang sinseridad nito na tuluyang tumunaw sa puso niya. Napakahirap magalit ng sandaling iyon. This man save their lives. How could she possibly hate him now? Itinaas nito ang mukha niya. Nagsipatakan ang mga luha ni Maricon nang makatitigan si Baldassare. The softness of his eyes were priceless. Ibang-iba na talaga ito kumpara noong huli niya itong makita. "Please, forgive me. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. I don't even deserve you..." anas nito. Basag na ang boses. He was getting really emotional. Hindi inaasahan ni Maricon na ang astiging demon ay ganoon makahingi ng apology. "B-Baldassare..." anas niya. Mayroong bikig ng lalamunan. Hindi na niya malakasan ang boses dahil baka mapahagulgo

