"f**k! DAMN it!" galit na sigaw ni Baldassare ng hindi pa rin maalis ang sumpang nakabalot sa kanya. Itinapon na lang niya sa kung saan ang black booklet. Hirap man ay nagawa niyang makauwi sa Goshun Peak. Ang bundok na iyon ang ginawa nang tirahan ni Baldassare sa matagal na panahon. Hinayaan na rin siya ni Hades na mamalagi doon. Sa black booklet nakasulat ang ilang inaral niyang iba't ibang uri ng incantation at spell para makapag-summon ng mga halimaw, makapag-cast at makapag-break ng spell. Sa loob ng ilang araw na isinumpa siya ni Hades ay iyon ang ginawa niya. Lahat nang natunanang pangalis ng sumpa ay ginamit niya pero sa kasamaang palad ay walang nangyayari. Hades' spell was really beyond recognition. Hindi na alam ni Baldassare ang gagawin. Hinang napahiga na lang siya sa umuus

