"What are you doing?" untag ni Baldassare kay Maricon. Napalingon muna siya sa ina na abala sa kusina bago ito sinagot. Sila naman ni Baldassare ay nakaupo sa carpet at sa center table siya nagsusulat. Nagkalat doon ang mga notebooks, dictionaries at kung anu-anong magagamit sa paggawa ng draft. Nang makitang hindi siya pansin ng ina ay hinarap na niya ang lalaki. Bigla na lang itong sumulpot sa tabi niya at hindi na siya nagulat. Nasasanay na rin siya sa biglaan nitong pagdating. Araw ng Linggo. Pinagluluto na ni Maita si Maricon para hindi na siya maabala kapag hinarap na niya ang pagsusulat. Sa tuwing pumapasyal ito sa condo ay ganoon ang ginagawa nito. Kahit pigilan niya ay mapilit pa rin. Bawi na raw nito iyon sa mga panahong magkalayo sila. "Gumagawa ako ng draft para sa susunod na

