"You smelled so damn good," bulong ni Baldassare habang pumipirma ng kontrata si Maricon. Kasalukuyan silang nasa accounting office. SOP iyon na bago i-release ang payment ay dapat siyang pumirma ng kontrata. Nakasaad doon na ibinebenta na niya ang masterpiece sa kumpanya. Habang pumipirma sa isang sulok ay magisa lang si Maricon. Dahil doon ay nagawa siyang tanungin ni Baldassare. Nakayukod ito sa likuran niya para bulungan. Nakakuha rin ito ng tyempo mula sa ilang minutong pagaali-aligid. Pagpasok kasi nila sa publishing ay hindi na siya nito nagawang kausapin. Marami na kasing tao siyang nakasalubong. Napasinghap si Maricon nang maramdamang sinamyo ni Baldassare ang buhok niya. Nanayo na ang mga balahibo niya sa batok! Aaminin niya, hindi siya nabastusan kundi parang nakiliti ang gulug

