Ericka’s Point of View Napakunot lang ang aking noo dahil sa gulat na aking narinig. “Bakit naman ganon kalaki ang utang ng pamilya natin sa kanila?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. “Actually, billion na nga yun eh nabawasan lang nila Dad sa loob ng apat na tao na pagtatrabaho nila sa pamilya ni Lester,” saad ni Kuya saakin. Nalilito ako sa kaniyang sinasabi dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ng malaking utang ang pamilya namin sa pamilya ni Lester. “Hindi ko maintindihan Kuya Jameson, bakit ganon kalaki? Ano bang ginawa nila para magkautang ng malaki sa kanila?” tanong ko sa kaniya. Napahinga lang ng malalim si Kuya bago sagutin ang aking katanungan. “Kasi dahil sa’yo,” saad niya saakin. Napahinto ako sabay napatingin sa kaniya.

