Ericka’s Point of View Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ng may-ari ng shop saakin. Agad naman siyang ngumiti saakin sabay tumungo sa gown at inayos ang gown. “Alam mo ang sa ganitong edad ko ang dami ko ng mga nakikitang mga bata na hindi alam kung ano ba ang desisyon na tatahakin nila sa buhay nila.” Saad niya saakin. Napangiti nalang ako sa kaniya sabay hinawakan ang sarili kong mga kamay. “Sana nga po katulad nalang din nila ako na nahihirapan pumili ng desisyon para naman alam ko kung bakit ako nahihirapan sa buhay ko. Ngayon kasi meron na akong mga desisyon sa buhay ko pero hindi ko naman magawa-gawa kasi hindi naman yun yung gusto ng mga magulang ko.” Saad ko sa kaniya. Napatingin naman siya saakin sabay ngumiti. “Alam mo ija kaya mo nga sila naging

