Ericka’s Point of View Hindi ko naman malaman kung ano ang nasa isip ni Ethan dahil sa tuwing tinatanong ko siya kung saan kami pupunta ay hindi niya sinasabi sa akin. Gustuhin ko man siyang kulitin habang nasa kaniyang table pero hindi ko magawa dahil sa nagtatrabaho siya. “Baka naman matunaw na ako niyan kakatitig mo sa akin?” pang-aasar niya sa akin. Napahinga naman ako ng malalim dahil sa kaniyang pambabanat nanaman sa akin. “Gusto ko lang naman tanungin kung saan tayo pupunta mamaya,” pangungulit ko sa kaniya. “Mag-intay ka lang mamaya pagkatapo kong magtrabaho dito,” saad niya sa akin, “isa pa 4:30 pa lang naman kaya may oras pa tayo para puntahan yun,” wika niya sa akin, “isa pa mas maganda yun kapag medyo madilim na natin pupuntahan.” Napahinga na lang ako ng malalim sabay

