3rd Person’s Point of View Habang nasa kaniyang upuan pinipilit lang niyang magpaikot-ikot doon at naghihintay kung ano ang gagawin. Kahit na napapansin niya na lumalago ang kaniyang business hindi niya pa din matanggal ang masungit na itsura sa kaniyang mukha. “Alam mo pare tigil-tigilan mo nga yung ganyang mukha. Smile ka naman jan para tong sira ehh. Wala naman problema sa kumpanya pero yung mukha mo parang may kakagalitan.” Saad ng isang lalaki sa tabi. “Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo. Araw-araw mo nalang pinupuna yung itsura ko paki mo ba kung ganito ako. Alam mo kung ano ang inaatupag mo. Yung trabaho mo ng may magawa ka namang mabuti dito.” Galit na sabi nito. Bigla naman napahawak sa kaniyang dibdib ang lalaki at kunwari ay nasasaktan sa sinabi nito.

