Ericka’s Point of View Matapos naming kumain ni Ethan ng pagkain sa kaniyang condo. Dali-dali na rin akong umalis upang makauwi na sa bahay namin dahil sa sinabi ni Kuya saakin. Habang nagmamaneho ako hindi parin matanggal saakin ang inis dahil sa sinabi ni Kuya saakin. Alam ko kung ano nanaman ang binabalak nila, but I’m always telling them na gusto ko muna makapagtapis ng pag-aaral bago ko gawin yung ambisyon nila. Gustuhin kong pigilan ang sarili ko na huwag magalit sa kanila dahil mga magulang ko parin sila pero hindi matanggal saakin ang inis na lagi nalang sila ang nagdedesisyon sa buhay ko. I’m a grown-up person now na kayang gumawa ng sariling desisyon at alam ko naman na alam na din nila ang gusto kong ipunto sa kanila. Ngunit kahit anong pagpapaunawa an

