Ericka’s Point of View Nasa sasakyan lang kami ni Ethan habang nasa labas kami ng building ng ABC entertainment. Pinagmamasdan lang namin ang dami ng tao sa labas ng building. Nanatiling tahimik kaming dalawa habang iniintay niya ang pagkakatapon na sabihin ko sa kaniya na pwede na kaming lumabas. Nanatiling tahimik lang si Ethan simula ng kumain kami hanggang makarating kami dito sa ABC entertainment. “Tara na Ethan?” tanong ko sa kaniya. Napalunok naman siya sabay napahinga ng malalim. “Hindi ko alam kung bakit mo ako dinala dito pero kinakabahan ako sa mga mangayayari ngayon Ericka,” saad niya sa akin. Agad kong tinanggal ang aking seatbelt at binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan at lumabas sa loob ng kaniyang sasakyan. Tinignan ko naman si Ethan sa loob at nakita ko siya na n

