Ericka’s Point of View “550 million?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako at tumango-tango sa kaniya. “Oo 550 million gagawin ko lahat hindi lang gusto mo kanina,” saad ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko. Pero napakadesperada ko na para gawin ang bagay na ito para sa pamilya ko. Alam ko maling-mali ang ginawa ko pero eto lang ang unang pumasok sa isipan ko. Napahinga naman siya ng malalim sabay napatayo sa kaniyang inuupuan at napatingin sa labas ng kaniyang opisina. “550 million at lahat ng gusto ko gagawin mo,” seryoso niyang pag-ulit sa sinabi ko. Napapikit na lang ako at nanatiling nakayuko habang hinihintay ang kaniyang sagot. “So binebenta mo pala ang sarili mo sa akin?” seryosong sabi niya. Napalunok na lang ako dahil hindi ko alam kung an

