Ericka’s Point of View Nagising ako dahil sa lakas ng ingay sa labas ng bahay naming. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero alam ko lang na nakakabulabog sila ng mga taong gusto pang matulog. Pilit akong bumangon sa aking kama at agad na napakamot sa aking ulo dahil sa pag-istorbo nila sa pagtulog ko. Nagulat naman ako ng meron kumatok sa pintuan ng kuwarto ko dahilan upang mapabalikwas ako sa aking higaan. “Teka lang naman ano nagmamadali?” inis na sabi ko. Agad akong tumayo at pinuntahan ang pintuan upang tignan kung sino ang kumatok sa pintuan. “Ohh ikaw pala Kuya.” Saad ko sa kaniya. Napakamot lang ako sa aking ulo at sabay muling naglakad papabalik sa aking higaan. “Ano hindi ka ba talaga kikilos Ericka anong oras na oh.” Saad ni Kuya saakin. Na

