Ericka’s Point of View Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko dahil sa sinabi niya. Tumingin lang siya saakin na walang emosyon sabay napa-cross arm. “Bakit may problema ba sa sinabi ko Ms. Santiago?” tanong niya saakin ng seryoso. Napailing-iling nalang ako bilang sagot sa kaniyang tanong. “Nagtataka lang po ako kung bakit merong ganog rule?” tanong ko sa kaniya. Napahinga naman siya ng malalim sabay napalapit saakin. Napako naman ako sa aking kinatatayuan at pinagmamadan lang siya na lumapit saakin. Napahinto siya sabay tinignan ako mata sa mata. “Meron na bang minamahal si Ms. Santiago kaya hindi sya sang-ayon sa no boyfriend allowed na sinabi ko?” tanong niya saakin. “Nagtataka lang po ako pero ayos lang naman saakin ang rule na yon pero fir

