Ericka’s Point of View Napatikom lang ako ng aking bibig dahil sa kaba ko dahil sa kanilang tanong. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita sa harap nila ng hindi nila nakikita ang mukha ko. “Hindi ko alam na meron na palang bingi na boss ngayon,” saad ni Lester saakin. Napahinga ako ng malalim sabay napahawak sa aking noo upang matakpan ang aking mukha sa parte ni Lester. “Sorry po pero hindi po ako boss,” tugon ko, “ako po ang secretary ng EAD company. Busy kasi ang boss ko ngayon kaya ako ang pinapunta.” Napahinga ako ng malalim sabay napatikom ng bibig dahil sa kaba ko ng kausapin ko sila. “Sabi ko sa’yo wala nanaman ang boss ng EAD dito. Pero hindi ko akalain na nagkaroon na ng secretary ang EAD sa tagal nilang nasa mundo ng business ngayon palang sila nag

