Ericka’s Point of View Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko na kumakawala ang aking puso dahil sa pagbilis ng t***k nito. “Naks naman sana all!” sigaw ni Kenneth sa amin. Napabitiw naman si Ethan sa pagyakap niya sa akin sabay ngumiti. “Ikaw ang ingay-ingay mong bata ka iniistorbo mo sila,” inis na sabi ni Miss Teresita kay Kenneth. Napatingin naman ako kay Ethan sabay napangiti. “Takot ka lang matulog sa labas ng kuwarto mo eh,” pang-aasar ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin sabay binulungan ako. “Oo kasi baka hanap-hanapin ko yung amoy mo pag natulog ako sa labas diba,” saad niya sa akin. Pinalo ko naman siya sa kaniyang braso dahil sa kaniyang sinabi. “Ang dami mong alam,” tuwa na sinabi ko. “Oo nga pala bago kayo mag-as

