Ericka’s Point of View “Saan ka pupunta Ericka?” tanong sa akin ni Kate. “Kailangan kong pumunta sa opisina ngayon,” dahilan ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo ni Kate dahil sa sinabi ko. “Huh? Bakit ka naman pupunta sa opisina eh may sakit ka pa ah,” saad ni Kate sa akin, “ipagpabukas mo na iyan dahil baka mabinat ka.” Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya saakin. “Kate kailangan ko talagang pumunta doon baka ano’ng mangyari sa kanila doon,” tugon ko sa kaniya. “Mangyari sa kumpanya o mangyari kay Ethan?” tanong niya sa akin. Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya sa akin. “Diba mag-re-resign ka na sa EAD?” saad niya sa akin. “Pero hindi pa naman ako umaalis kaya ako pa din ang secretary nila,” saad ko sa kaniya. “Siguro sa ngayon I will choose to gamble,” ngi

