Ericka’s Point of View Matapos akong makipag-usap sa professor ko about sa hinihingi kong drop pinayagan naman niya ako at sinabi ko din sa kaniya na wag sabihin sa parents ko especially sa mga taong nakakilala sa school namin para hindi na lumaki ang issue. Pumayag naman siya at pumayag din siya na gawin ko ang activity namin na camping na isa din sa ni-request ko para makatakas kala Dad. Matapos ang aming pag-uusap ngayon ay tinatahak ko ang daan papunta sa room namin ni Kate. Ngayon kasi ay wala ding masyadong ginagawa sa campus dahil sa mga events na papadating. Nakakalungkot na gusto ko ding gawin ang mga activities sa school pero hindi ko na din magagawa dahil sa nangyari. Habang na sa hallway ng school bigla akong napatingin sa quadrangle at doon nahagip

