"Mia, may date ba kayo ni Boss bukas?" tanong ni Doughs habang binibihisan ni Mia ang ama. Linggo noon kaya wala ring pasok ang dalawang tagapag-alaga ni Mang Mando. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Doughs. "Wala, Kuya. Baka hindi na umuwi 'yon, noong huling usap namin medyo masama ang panahon dun, eh." "Naku, si Boss pa ba? Wala namang imposible sa isang 'yon. Patuluyang mag-bus 'yon, uuwi at uuwi 'yon sa'yo." Napangiti ang dalaga. "Ikaw ba, Kuya? Wala ka bang date?" "Wala nga, eh. Pero balak ko sanang sorpresahin si Lola." "Ang sweet mo naman, Kuya Doughs. Love na love mo 'yung lola mo, noh?" "Sus, 'wag ka nang mainggit. Love na love ka rin naman ni Boss." Napangiti lang ang dalaga. Namayani ang saglit na katahimikan habang pinapanood siya ni Doughs. "Kuya, paalalay naman

