Malungkot at walang kabuhay-buhay na umakyat si Anthony sa roof top. Galit na hinawi niya ang lahat ng nasa mesa atsaka siya sumigaw nang malakas. Habang nakayuko at nakahawak sa gilid ng mesa, napansin niya ang singsing na naiwan niya sa sahig. Pinulot niya iyon atsaka niya buong pwersang ibinato sa ibaba.Tumalbog ito at gumulong sa paanan ni Doughs na noo’y nakaantabay lang sa ibaba. Napatingala ito sa taas at napailing na lang sa nakikitang panlulumo ng kaibigan. Matapos ibulsa ang singsing nagmamadali siyang umakyat sa itaas para sunduin si Anthony. “Boss, uwi na tayo,” anito nang makaakyat sa itaas. Awang-awa siya hitsura ni Anthony na noo’y nakasalampak na sahig habang nakasandal sa pader. Wala itong imik habang nakatanaw sa kawalan. Bahagyang yumuko si Doughs atsaka nito inabot ang

