"Paano naman po kayo nakasiguro na mabait si Anthony?" kunwa'y tanong ni Mia habang papaupo sa tabi ng ama. Napangiti si Mang Mando. "Matagal ko nang binabantayan ng palihim ang batang iyon. Ibinilin kasi siya sa akin ng mama niya bago ito umalis ng bansa." Biglang namilog ang mga mata ni Mia sa narinig at napaharap sa ama."Kilala niyo po ang mama niya?" "Kaibigan ko ang mama niya, si Ana." 'Yung Papa ni Anthony? Kilala niyo rin po ba, Pa?" "Si Don Anselmo nga ang papa niya." Nanlaki ang mga mata ni Mia, hindi siya makapaniwala sa narinig. "Siya po 'yung totoong ama ni Anthony?" "Oo. Kaya nga dun siya iniwan, eh. Kasambahay noon si Ana sa mansion ng mga Ybañez. Nagkaroon sila ng lihim na relasyon ni Anselmo. Nang mabuntis si Ana at isilang si Anthony, nalaman 'yon ng mama ni Anselm

